Naeskandalo ang conservative fans ni Sarah Geronimo dahil sa kissing picture nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na mabilis na kumalat kahapon.
Isyu para sa fans ni Sarah ang litrato dahil mistulang hinahalikan ni Matteo sa labi ang kanilang idol. Inisip nila agad ang magiging reaksyon nina Mommy Divine at Daddy Delfin, ang protective parents ni Sarah.
Sa true lang, nakatalikod sa kamera si Sarah kaya hindi malinaw kung talagang hinalikan siya ni Matteo sa labi.
At kung sa labi nga, hindi ito isyu dahil may relasyon naman ang dalawa at kapwa nasa legal age na sila.
Asahan natin na lalabas pa ang maraming kopya ng kissing photo dahil inabangan ng fans at kinunan nila ng litrato ang pagkikita nina Sarah at Matteo sa finish line ng karera ng Cobra Ironman 70.3 triathlon na nangyari kahapon sa Cebu.
Loyal viewers ng SAS nag-emote rin
Overtime kahapon ang farewell episode ng Sunday All Stars ng GMA 7.
Nagsimula ng 2 p.m. ang show at natapos ito ng 4 pm na understandable dahil huling telecast na nga ng Sunday afternoon program ng Kapuso Network.
Sama-sama na kumanta ng live ang lahat ng mga singer ng Sunday All Stars na may mga karapatan dahil hindi naman sila mga non-singer.
Hindi lamang ang cast ng Sunday All Stars ang nalungkot dahil nag-emote din ang loyal viewers ng programa na nagsabi na mami-miss nila ang kanilang favorite Sunday afternoon show. Tumagal din ng mahigit sa dalawang taon sa TV ang Sunday All Stars na nagsimula noong June 16, 2013 at nag-babu kahapon.
Kris sa QC na boboto dahil kay Bistek
Ginagawang isyu ng mga intrigero at intrigera ang pagpaparehistro ni Kris Aquino bilang botante ng Quezon City.
Hindi big deal ang pagpaparehistro ni Kris sa Quezon City dahil dito na siya nakatira mula nang iwanan niya ang condo unit sa Makati City. Imposible naman na bumoto pa rin siya sa Makati eh residente na nga siya ng Quezon City.
Direk Maryo J. nagluluksa sa sinapit ng alagang si Ozu Ong
Nagluluksa ang direktor na si Maryo J. delos Reyes dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang talent na si Marcelo “Ozu” Ong, isa sa mga miyembro ng all-male group na Masculados Dos.
Binaril at pinatay kahapon si Ozu sa Angono, Rizal at tinangay ng salarin ang kanyang sasakyan. Madaling-araw nang mangyari ang insidente, nadala pa ang biktima sa isang ospital sa Antipolo City pero dead on arrival.
Namatay si Ozu sa edad na 29 at nakaburol ang kanyang labi sa Antipolo. Ito ang mensahe mula kay Kuya Maryo na ipinadala niya sa kanyang mga kaibigan.
“It is in grief and great sadness that we at Productions 56, Inc. announce the demise of one of our premium artists and member of the Masculados, Marcelo “Ozu” Ong who died of a fatal gunshot wound yesterday, August 2, at 4am.
“His car, a Toyota Hilux, AAO 2722 was forcibly taken away from him by still unknown assaillants. His body lies in state at the Transfiguration of Christ Parish Church Chapel , Manuel L. Quezon Ext, Antipolo City.
“His relatives, friends and brothers at Prods 56 are requesting for prayers for the eternal repose of his soul. We shall surely miss his very energetic performances with his group, The Masculados. Thank you!”