Puwede nang magpakakikay Anne Curtis may bagong mobile game!
MANILA, Philippines - Gusto mo bang bihisan at i-style si Anne Curtis? Posible na ito sa Anne Galing.
Ang Anne Galing is a Match-3 game na available na sa Google Play. Mismong si Anne Curtis ang nagdisenyo nito. Ang player ay maaaring mag-shopping ng digital clothes, bumuo ng wardrobe, at i-personalize ang kasuotan ni Anne.
“I chose a match-3 type of game because it’s my personal favorite. I’m actually very good at it! But I wanted Anne Galing to be unique and to have my personal touch, so I threw in my love for fashion into it. In fact, I even have some of my Anne Kapal concert outfits turned into Anne Galing items! Anne Galing ‘di ba!” sabi ni Anne.
Ang Anne Galing ay gawa ng Xeleb Inc., isang bagong mobile games company na ini-launch ng Xurpas Inc. (PSE: X).
“Xeleb will own the celebrity games space,” ani Raymond Racaza, Chief Operating Officer ng Xurpas.
Ang mga shareholder ng Xeleb ay kinabibilangan ng mga bigating artista ngayon tulad nina Anne Curtis, Isabelle Daza, Kim Atienza, at Erwan Heussaff.
Isa lamang ang Anne Galing sa maraming Anne Curtis-branded games para sa Xeleb.
“We view Anne, Isabelle, Kim, and Erwan as tentpole properties. We’ll build a constantly growing portfolio of games based on their celebrity brand,” Raymond adds.
Ang nabanggit na apat na celebrity shareholders ay tutulong din sa paglago ng Xeleb sa mga kasamahan nila sa showbiz.
“We’re just getting started,” pagtatapos ni Raymond Racaza.
- Latest