Maluwag kahapon ang mga lansangan, lalo na ang EDSA dahil sa earthquake drill na pinangunahan ng MMDA. Habang nangyayari ang earthquake drill, papunta naman ako sa lunch date kay AiAi delas Alas ng selected members ng press.
Iba talaga kapag si AiAi ang kausap ko dahil walang dull moment bilang puro kagagahan ang tsikahan portion namin. Talagang pinatulan ni AiAi ang haka-haka na kakandidato siya sa susunod na taon dahil may nagkakalat ng tsismis na sila ni Vice-President Jojo Binay ang magka-tandem.
Buong ningning na sinabi ni AiAi na ayaw muna nito na magsalita pero sinabi niya na pareho sila ni Senator Grace Poe na adopted. Parang sinabi na rin ni AiAi na qualified siya na kumandidato bilang pangulo at bise-presidente ng ating bayan.
Nakakangiti na Jiro hindi na galit sa mundo
Sa true lang, hindi kailangan ni AiAi na maging pulitiko o public servant para makapaglingkod sa kapwa. Iilan ang nakakaalam na marami ang mga kapus-palad na tinutulungan ni AiAi.
Lumaki lang ang isyu ng pagtulong niya sa former child actor na si Jiro Manio dahil artista ito at nakita na palaboy-laboy sa Terminal 3 ng NAIA. Malaki na ang ipinagbago ni Jiro mula nang tulungan siya ni AiAi at ma-confine sa isang wellness facility somewhere in Quezon City.
Nakakangiti na si Jiro at pumapayag nang magpakuha ng litrato. Hindi gaya nang dati na parang galit siya sa mundo at hate na hate na magpa-picture.
Sunday PinaSaya may kakaibang sahog
Ikinuwento ni AiAi na kakaiba ang concept ng Sunday PinaSaya dahil sa mga comedy skit na tatampukan nila nina Marian Rivera, Jose Manalo at Wally Bayola. Ang Sunday PinaSaya ay coming soon Sunday noontime show ng GMA-7 na ipapalit sa Sunday All Stars.
Tiniyak ni AiAi na magugustuhan ng televiewers ang lahat ng mga segment ng programa na hindi variety show ang kategorya.
Magsisimula ang Sunday PinaSaya sa August 9 at humarap kagabi sa bonggang presscon ang buong cast na maligayang-maligaya dahil nabigyan sila ng regular program na joint venture ng GMA-7 at APT Entertainment.
Akala totoo.. Mga hindi updated, nagimbal sa shake drill!
Successful ang shake drill kahapon sa Metro Manila pero may mga tao na hindi well-informed na nakinig sa radyo at naloka sa mga balita na marami ang mga nasaktan dahil sa malakas na lindol na nangyari.
Paniwalang-paniwala ang mga hindi updated sa mga nagaganap sa paligid na may mga building na gumuho at nasunog dahil ito ang news ng mga field reporter. Mabuti na lang, nilinaw ng mga radio anchor na bahagi lamang ng earthquake drill ang kanilang mga report na walang katotohanan at bahagi ng paghahanda sa The Big One na walang nakakaalam kung kailan mangyayari.