Mukhang matutupad ang wish ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na muling magkasama ang mahal nilang Royal Couple sa faithserye ni Dingdong na Pari Koy. Miss na miss na raw kasi nilang mapanood na magkasama ang mag-asawa kaya sila mismo ang nag-request sa GMA 7 na kahit mag-guest si Marian bago matapos ang drama series ay matupad.
Kaya mismong si Dingdong ang nag-confirm na inaayos na ang guest role ni Marian lalo pa at maayos na ang pagbubuntis nito, pinayagan naman ng kanyang OB Gyne na mag-guest ang aktres sa mga TV show.
Noong isang araw nga nag-post pa si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account habang nagwu-work out si Marian with a caption na “WOKDATOK, the journey to a healthy delivery.”
Batang nag-champion sa Canada, nakapag-ipon dahil sa plastic bottles
May katwiran namang magmalaki si Rams David, manager ni Marian Rivera at isa sa executives ng Triple A (All Access to Artists) management, dahil ang kanyang nephew, si Ethan David, Filipino-Canadian, ay tinanghal na Junior Vocalist Champion of the World sa katatapos na World Champion of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Los Angeles, California. Based sa Vancouver, Canada si Ethan at ang kanyang parents. Touching ang ginawa ni Ethan para lamang makapag-raise siya ng halagang gagamitin para maka-join siya sa competition pagkatapos niyang makapasa sa audition at makasama sa Team Canada.
Not enough money na gagastusin para pumunta sa LA for the competition, naisip ni Ethan na mangulekta ng mga recycled plastic bottles at nanghiram siya ng $200 sa kanyang mommy para makabili ng chocolates na ibinenta niya sa mga kapitbahay nila pagkatapos niyang makagawa ng assignments. Sinuportahan siya ng mga kapitbahay niya at kung minsan, inaabutan na lamang niya sa bahay nila ang mga recycled plastic bottles. May mga nag-fund raising din para sa kanya at sa isang sold-out concert na ginawa niya, thankful siya kay Joey Albert, who’s based in Canada, na naging special guest niya. Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Ethan at ng kanyang parents sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang journey hanggang maging Junior Vocalist Champion of the World siya.
Jerald binuko ang pagiging bading
Hindi pa pinapipirma ng network contract ang mahusay na actor-comedian-singer na si Jerald Napoles, pero isa na siya sa mga bagong talents ng Triple A. Masaya rin siya dahil may dalawa na siyang regular show sa GMA Network, ang malapit nang magsimulang comedy-variety show na Sunday PinaSaya sa August 9, at ang My Faithful Husband na muli niyang makakasama si Dennis Trillo na una niyang nakatrabaho sa indie film na The Janitor ng Cinemalaya 2014.
Nag-preempt na si Jerald sa character niya sa My Faithful Husband na isa siyang bading na beautician sa punerarya na nagtatrabaho naman ang best friend na si Dennis bilang janitor. Naikuwento rin ni Jerald na si Noni Buencamino ang may-ari ng punerarya at kahit daw nakakatawa na si Noni sa mga eksena nila, kita pa rin ang sakit ng loob na dala nito sa pagkamatay ng bunsong anak na si Julia Buencamino.