Si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang piniling suportahan ng kinikilalang “the greatest boxer of all-time” na si Muhammad Ali.
Kinumpirma ito ng anak na babae ni Ali na si Rasheda Ali sa TMZ Sports.
“My dad is Team Pacquiao all the way!
“My dad really likes Manny. He’s a huge fan of his.
“He knows Manny’s a great fighter but it’s more about what he does outside the ring. He’s such a charitable person.”
Hindi nga raw makakapanood si Ali ng laban ni Pacman with Floyd Mayweather, Jr. on May 2 sa MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada. Sa bahay lang daw manonood ito ayon pa kay Rasheda.
“There’s no question he’s going to order it.
“It takes my dad way back to when he was fighting,” diin pa Rasheda.
Matagal na ngang magkaibigan sina Pacman at Ali. Noong nag-celebrate ng ika-70th birthday si Ali taong 2012, isa sa imbitadong bisita nito ay si Pacman.
Dagdag pa ni Rasheda: “My dad stood for things. Mayweather … I don’t think there’s a comparison.”
Ang mananalo nga pala sa laban nila Pacman at Mayweather ay mag-uuwi ng higit kumulang na $250 million at isusuot niya ang isang emerald belt na nagkakahalaga ng $1 million.
Yagit nagpasalamat sa mga bata
Bilang pasasalamat dahil sa magandang ratings ng teleserye na Yagit, nagkaroon ang buong cast ng thanksgiving party kasama ang mga bata ng He Cares Foundation sa Enchanted Kingdom noong nakaraang March 29.
Ito ay ang Summer Fun at Enchanted Kingdom: Gift ng Yagit sa Kids.
Present ang buong cast ng Yagit na pinangungunahan ni Yasmien Kurdi at ang Yagit Kids na sina Chlaui Malayao, Jemwell Ventinilla, Judie Dela Cruz, Zymic Jaranilla, at Steph Yamut.
Kasama rin sina Renz Fernandez, James Blanco, Maricris Garcia, Ina Feleo, Kevin Santos, LJ Reyes at Bettina Carlos.
Nagbigay sila ng mga regalo at nagkaroon ng ilang games at production numbers.
Parang mga series sa U.S.