^

Pang Movies

Oh My G! marathon special

Pang-masa

MANILA, Philippines - Espesyal na marathon ang hatid ngayong Sabado de Gloria (Abril 4) ng most-watched daytime TV program ng ABS-CBN na Oh My G na pinagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador. Ito ay eere simula alas-dose ng tanghali.

Sa Holy Week programing ng ABS-CBN ngayong Semana Santa, abangan ang pagpapalabas ng mga naunang episode ng Oh My G tampok ang pagsisimula ng malaking pagbabago sa buhay ni Sophie (Janella) nang mawala ang kanyang mga magulang at nang mapalapit siya kay G (God).

Samantala, huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good drama series na magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos,  araw-araw bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Coco at Julia, may Easter Sunday adventure

Espesyal na Easter Sunday adventure ang handog ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes sa buong pamilya ngayong Linggo ng Pagkabuhay (Abril 5) sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym  special na Yamishita’s Treasures.

Ngayong unti-unti na silang napapalapit sa isa’t isa, malaking pagsubok ang nakatakdang haharapin nina Yami (Coco) at Tanya (Julia) dahil sa parusa na nais ibigay ng hari ng mga engkanto sa dalaga. Ano ang gagawin ni Yami sa oras na matuklasan niya na si Tanya ay isang diwata? Paano nila matutulungan ang isa’t isa na sagipin ang kapatid ni Yami na si Newton (Alonzo Muhlach) sa oras dakipin ito ng prinsipe ng mga engkanto na si Arkin (Arron Villaflor)?

Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishitas’ Treasures  ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Ryan Bang, at Marlan Flores. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.

May-ari ng pinakamalaking pagawaan ng foam nabaon dati sa utang

Samahan ang award-winning journalist na si Kara David na silipin ang bahay at buhay ni Natividad Yabut-Cheng, ang nagmamay-ari ng Uratex na isa sa pinakamalaking pagawaan ng foam sa bansa, ngayong Miyerkules sa Powerhouse sa GMA-7.

Dating nakikitira lang sa apartment ang pamilya ni Natividad. Nagsisiksikan daw ang apat na pamilya  sa bahay na ito at halos tabi-tabi na sila matulog sa iisang banig noon. Ngayon, kilala na siya sa sariling kumpanya bilang si “Misis” at ang nagmamay-ari ng Uratex.

Nagsimula lang daw sa isang maliit na negosyo na buy and sell ng furniture at bed supplies si Misis Naty at ang kanyang mister na si Robert hanggang sa nakakita sila ng potensyal na negosyo sa pagsu-supply ng foam.  Sa  halagang P4,000.00 na kapital ay nabuo ang kanilang pangarap na umasenso pero isang pangyayari ang sumubok sa kanilang katatagan. Nasunog ang kanilang warehouse at nabaon sila sa utang. Sinikap nilang bumangon at ngayon, mas lumawak pa ang kanilang negosyo nang pasukin nila ang pagsu-supply ng automotive fabric at muffler ng kotse.

Taong 1972 nang tumira ang mag-asawang Cheng sa kanilang apat na palapag na tahanan. Dito rin matatagpuan ang kanilang showroom at opisina. Nagmistulang mall ang kanilang entertainment area dahil makikita rito ang ilang coin-operated games para sa kanilang apo. Ang kanilang bahay at negosyo ay bunga raw ng kanilang sipag at hindi pagsuko sa mga pinagdaanang problema.

Ngayong Miyerkules, alamin ang kuwento ng tagumpay ng Uratex owner na si Natividad Yabut-Cheng sa Powerhouse, 4:35 ng hapon, sa GMA-7.

ABRIL

ACIRC

ALONZO MUHLACH

ANG

EASTER SUNDAY

JULIA

KANILANG

NATIVIDAD YABUT-CHENG

OH MY G

URATEX

YAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with