Aktor ibinubuhos ang kawalan ng career sa paglaklak ng alak

Sobrang depressed raw ngayon ang male celebrity na ito kaya nabaling ang kanyang atensyon sa pag-inom ng alak.

Noong dumalang na raw ang mga trabaho sa male celebrity na ito at ramdam na niya ang pagkalaos, ang pag-inom ng alak ang naging bisyo niya at pansamantala raw nawawala ang kanyang lungkot na nararamdaman sa kanyang career.

Ilang beses na raw kasi siyang napangakuan pero biglang binabawi ang trabaho na dapat ay sisimulan niya.

Hindi raw alam ng male celebrity kung sino ang dapat niyang sisihin kaya idinadaan na lang niya sa paglalasing.

Worried na ang pamilya ni male celebrity dahil dati ay umiiwas itong makatikim ng alak. Pero ngayon, parang ginagawa na niya itong tubig.

Ang dating magandang katawan ni male celebrity na alaga sa workout at diet ay napalitan na ng taba.

Umaga na raw ito parating nakakauwi sa kanyang bahay at kapag nagising na raw ito ay ang pag-inom agad ang ginagawa.

Gusto na nga raw siyang ipa-rehab ng mga kaibigan dahil nagiging malaking problema na ang pag-inom nito.

Ayaw nilang umabot pa sa pasuray-suray itong maglakad at baka ang alak pa ang maging mitsa ng buhay ng aktor.

 

Patricia gustong maging inspirasyon sa mga nanay

Ipinakita ng dating sexy actress na si Patricia Javier na may-asim pa siya kahit may dalawang anak na.

Si Patricia ang cover girl para sa April 2015 issue ng FHM magazine.

Sey ni Patricia na kilala rin bilang DJ G Love, nagawa niya muling magpa-sexy sa cover ng FHM para maging inspirasyon sa mga mothers tulad niya na puwede pang maging sexy sa kahit na anong edad.

Twice noong naging cover girl si Patricia ng FHM taong 2000 at 2002. Sumikat si Patricia dahil sa dalawang pinagbidahan niyang sexy movie sa ilalim ng Viva Films na Ang Kabit Ni Mrs. Montero at Unfaithful Wife 2.

“I’m doing this to influence moms like me, na hindi porke’t mommy eh losyang na.

“Let’s take care of our bodies. The more na tumatanda, the more dapat na gumaganda,” diin pa ni Patricia.

Nagbalik sa Pilipinas last year si Patricia pagkatapos ng sampung taong nanirahan sa Amerika kasama ang kanyang chiropractor husband na si Dr. Robert Walcher kung kanino meron siyang dalawang anak na lalaki.

Dito na sila ngayon sa Pilipinas naka-base at binuhay muli ni Patricia ang kanyang music career sa tulong ng Viva Artists Agency.

 

Bagong Miss Japan pinupuna sa pagiging bi-racial!

Kontrobersyal ang nanalong Miss Japan 2015 na ilalaban sa Miss Universe 2015 na si Ariana Miyamoto dahil sa pagiging bi-racial nito.

First time ngang may manalong bi-racial na Miss Japan who is half-Japanese and half-African-American. Kaya naging malaking usap-usapan ito on social media.

Ipinanganak sa Japan ang 20-year-old newly crowned Miss Japan at ang tawag nga sa tulad niya ay “hafu” meaning “half-Japanese”.

Mga pageant critics sa Japan ang umaatake kay Miyamoto dahil para sa kanila ay “she doesn’t look Japanese enough to represent their country”.

Heto ang ilang nasty comments nga na natatanggap ni Miyamoto over social media:

“Is it okay to select a hafu to represent Japan?” or “Because this is Miss Universe Japan, don’t you think hafu are a no-no?”

Nagpapasalamat na lang si Miyamoto na marami ang nagtatanggol sa kanya dahil sa modern world ngayon, ang bi-racial beauty na tulad niya ang siyang uso ngayon sa mga international beauty pageants.

Isa nga sa nagtanggol sa pagpili kay Miyamoto ay ang Japanese filmmaker na si Megumi Nishikura.

“The selection of Ariana Miyamoto as this year’s Miss Universe Japan is a huge step forward in expanding the definition of what it means to be Japanese.”

Show comments