Every now and then, kung walang taping si Marian Rivera ng The Rich Man’s Daughter, nagpu-post siya sa kanyang Instagram (IG) account ng mga iniluluto niyang pagkain para sa asawang si Dingdong Dantes. Pero ang gustung-gusto raw ni Dingdong ay ang ginagawa niyang ice cream for dessert, na kapag nag-request si Dingdong ay in five (5) minutes, naigagawa na siya using resealable bags and easy-to-find ingredients.
Hindi raw naman talaga mahirap ipaghanda ng pagkain si Dingdong, sabi ni Marian. At dahil summer na, ito ang ipakikita ni Marian ngayong umaga as the special guest ng ninang Regine Velasquez-Alcasid niya sa cooking show nitong Sarap Diva, 9:15 a.m. sa GMA-7. Ipakikita naman ni Regine kung paano maghanda ng no-bake brownies in 3 minutes at kakantahan ang kanyang mga manonood.
Derrick Monasterio sa Amerika pinagpi-piloto ng ama
Nagtapos na si Derrick Monasterio sa Angelicum College ng High School noong March 26 kaya natanong namin ang talent manager niya kung magtutuloy sa college ang young actor. Itutuloy daw ni Derrick ito at sa April 1, aalis ang tween actor papuntang Florida. One month siya magi-stay with his American father na naka-base roon. Bonding na rin ito ng mag-ama dahil matagal na silang hindi nagkikita.
Kakausapin daw ni Derrick ang ama para sa college course na gusto nitong kunin. Gusto raw ni Derrick na maging piloto someday, na madalas talagang sagot ni Derrick kapag tinatanong kung anong college course ang kukunin niya.
Hindi naman kataka-taka dahil bagay kay Derrick ang maging piloto, now that he is 19 years old, he already stands 6’1”. Payag naman ang daddy ni Derrick na iyon ang kunin nitong course pero ang gusto nito ay doon siya sa Amerika mag-aral. Gusto naman ni Derrick na dito sa ‘Pinas kumuha ng aviation course para maituloy pa rin niya ang kanyang showbiz career.
Ano ang mangyayari kung aalis si Derrick? Paano ang kanyang top-rating afternoon prime drama series na The Half-Sisters na extended pa hanggang June? Nag-advance taping na raw si Derrick ng mga eksena niya.
Viva tanggap ang pag-ayaw ni Albert sa Sugo
Nagpadala ng official statement ang Viva Communications. Inc., producer ng Felix Y. Manalo: The Last Messenger, ang historical biopic of Felix Y. Manalo, founder of the Iglesia ni Cristo (INC) kung saan nag-withdraw na si Albert Martinez na siyang gaganap na adult Felix Manalo, upon the request of his manager, Shirley Kuan, on March 9, 2015, para maasikaso nito ang asawang si Liezl na nang panahong iyon ay naka-confine pa sa hospital. Tinanggap ng producer ang kahilingan ni Albert out of compassion.
Hindi man nagbigay ng iba pang detalye ang Viva Communications, balitang tuluy-tuloy na ang shooting ng movie na idinidirek ni Joel Lamangan at nasa cast pa rin si Dennis Trillo as the young and adult Felix Manalo. Kasama rin sa movie sina Bela Padilla as the young wife at si Alice Dixson as adult wife. Sa June na ang showing ng movie kasabay ng pagdiriwang ng 100th year ng INC.