Sunud-sunod ang mga nagiging bisita ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang training sa Wild Card Gym in Los Angeles, California.
Kabilang na ang mga celebrity friends niya at pati na ang mga kilalang athletes na nagpakita ng suporta sa kanyang nalalapit na laban kay Floyd Mayweather on May 2 sa MGM Grand in Las Vegas, Nevada.
Noong nakaraang March 23 ay laking gulat ni Pacman nang bigla siyang bisitahin ng kauna-unahang boksingero na kinalaban niya para sa kanyang first world title in 1998.
Ito ay ang former World Boxing Council flyweight champ na si Chatchai Sasakul ng Thailand.
Nagkasagupa sila ni Pacman para sa naturang world title in December 4, 1998.
Tulad ni Manny, isang boxing star sa bansang Thailand si Chatchai Sasakul. Lumaban siya sa 1988 Seoul Olympics Games at natalo niya ang dalawang boksingero from Puerto Rico and Kenya.
Bilang amateur boxer, lumaban si Sasakul sa 85 fights at napanalo niya ay 78. Nagawaran din siya ng King’s Cup for Best Boxer.
Sinabi ng 45-year-old na si Sasakul na nagulat siya sa galing at bilis ni Pacman noong maglaban na sila sa ring 17 years ago.
Pacman was only 19 years old then at pangalawang laban pa lang niya iyon noon. Hindi raw niya naisip na magiging isang sikat na boksingero ito at hahakot ng 8 division world titles.
Nagretiro na sa boxing noong 2008 si Sasakul with a record of 65-4 with 40 knockouts, winning 19 consecutive bouts pagkatapos siyang matalo kay Pacman.
Ngayon ay isang trainer na rin siya sa Thailand para sa mga kabataan na gustong maging boksingero.
Noong malaman nga raw niyang nasa L.A. si Pacman, hindi siya nagdalawang-isip na bisitahin ang boksingerong umagaw sa kanyang titulo at ngayon ay nalalapit nang humarap sa ring with Floyd Mayweather Jr.
Unang binisita ni Sasakul si Pacman sa Pilipinas noong 2014.
Para sa kawanggawa OpraH ipapa-auction ang mga painting na naka-display sa kanyang condominium
Ipapa-auction ng Queen of Talk na si Oprah Winfrey ang mga nilalaman ng kanyang downtown condominium in Chicago para sa kanyang education foundation.
Magaganap ang auction on April 25 at ang mga makikita sa auction ay mga collection ni Oprah ng mga antique furnitures, paintings, ceramics, at ilang memorabilia.
Ayon pa sa mag-aasikaso ng auction na Leslie Hindman Auctioneers, ang proceeds ng auction na ito ay mapupunta sa The Oprah Winfrey Leadership Academy Foundation in South Africa.
Ang tiyak na makakakuha raw ng highest bid sa auction ay ang painting ng American Impressionist artist na si Richard Miller na Nude in Red Robe. Ang value nga raw nito ay aabot between $80,000 to $120,000.
Ang ibang paintings naman ni Oprah ay makakahakot ng sale between $40,000 to $80,000.
The 61-year-old talk show host ay isa sa richest and most powerful celebrities sa U.S. Ayon sa Forbes magazine, ang net worth ni Oprah ay $3 billion.