Slander by deed ang criminal case na isinampa kahapon ng model/businessman na si Rey Pamaran laban kay Melissa Mendez dahil sa pananampal at pananabunot nito sa kanya sa Cebu Pacific flight noong Biyernes, March 20.
Kasama ni Rey ang kanyang lawyer na si Atty. Raymond Fortun nang maghain siya ng reklamo sa Pasay City Prosecutors Office.
Bukod sa slander by deed, humihingi si Rey ng P3 million mula kay Melissa para sa damages.
“No comment” pa si Melissa sa demanda sa kanya ni Rey na itinuloy pa rin ang kaso kahit nag-sorry na ang aktres dahil hindi siya kuntento.
Gusto ni Rey na sabihin ni Melissa sa telebisyon ang public apology at bawiin ang mga pahayag niya na walang katotohanan.
Inabangan ng mga TV reporter ang pagdating ni Rey sa Pasay City Prosecutors Office dahil ito ang first time na haharap sa media ang lalaki na nakaaway ni Melissa.
Instant celebrity si Rey dahil siya ang naging sentro ng atensyon ng mga tao sa PCPO. Kinilig ang girls and gays dahil artistahin daw pala si Rey.
Willing si Rey na iurong ang demanda niya laban kay Melissa kung aaminin nito na lasing siya nang mangyari ang insidente.
Inamin ni Rey na apektado rin ang kanyang pamilya ng eskandalo, kasunod ang paglilinaw na empleyado niya si Andrew Wolff dahil binigyan ng malisya ng mga sawsawero ang magkasabay na pagpunta nila sa Pagadian City noong Biyernes.
Naniniwala ako sa explanation ni Rey dahil natatandaan ko na dumalo ako noon sa isang presscon para sa kompanya na pinaglilingkuran ni Andrew.
Hindi lamang ang modeling at commercials ang source of income ni Andrew dahil working din siya para sa mga private company.
Dahil nakademanda na siya, dapat na talagang mag-hire si Melissa ng legal counsel na magtatanggol sa kanya.
Teka, ano na ba ang nangyari sa pakikipag-meeting ni Melissa sa GABRIELA? Natuloy ba ang pag-uusap nila noong Lunes? Kung oo, bakit wala pang pahayag ang GABRIELA na naisip ni Melissa na hingan ng suporta dahil binastos daw nina Pamaran at Andrew Wolff ang kanyang pagkababae?
May apela si Atty. Fortun sa mga asungot na patuloy na nilalait ang pagkatao ni Rey.
Sinabi ni Atty. Fortun na naisampa na ang kaso kaya hintayin na lang ng lahat kung tunay na apologetic si Melissa.
“People, no need to rub it in na. The complaint has been filed. Let us see if she is really apologetic. Listen to Pamaran’s statement on how he will withdraw the complaint -- sabihin lang ni MM ‘yung totoong nangyari.”
Si Atty. Fortun ang tinatawagan ng mga reporter para sa mga update sa kaso bilang siya nga ang defender ni Rey sa demanda nito laban kay Melissa.
Nakita nga pala si Melissa at ang kanyang kapatid na si Glenda Garcia sa isang mall sa Quezon City noong Martes.
Dahil siya ang woman of the hour, pinagtitinginan ng mga tao si Melissa na tila hindi raw apektado sa mga mata na nakatutok sa kanya, ayon sa source ng PM (Pang-Masa) na personal na naka-sight sa magkapatid.