Parehong takot: Relasyon nina Carla at Tom walang label

MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Carla Abellana na loyal siya sa Ka­puso Network. Noong isang araw ay pumirma siya ng panibagong kontrata - three-year exclusive con­tract.

Present sa naganap na pirmahan ng kontrata sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon; GMA President and COO Gilberto R. Duavit,  Jr.; GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lily­beth G. Rasonable; GMA Vice President for En­tertainment TV Marivin T. Arayata; GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno; GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara; GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy; and Carla’s manager Arnold Vegafria.

Nananatiling maayos ang working relationship ng GMA at ni Carla.

Sinabi ni Mrs. Rasonable na may mga nakalinya nang proyekto si Carla sa network. “She’s going to do another major soap. She’ll start working siguro in 2 months, towards the middle of the year. She also has another project with News and Public Affairs, and then tuluy-tuloy pa rin ang Ismol Family because it’s doing very well and then she has Sunday All Stars.”

Anyway, sinabi ng Kapuso actress na hindi siya sigurado kung ang rumoured boyfriend na si Tom Rod­riguez ang magiging leading man niya sa susunod niyang soap. Bagamat hindi pa naman ito sigurado dahil ayon sa kanya ay marami pang pwedeng biglaang pagbabago. Open naman daw si Carla na maitambal sa ibang Kapuso leading men. 

Inamin din ng Kapuso actress  na takot siyang lagyan ng label kung anuman ang mayroon sa kanila ni Tom.

Ani ni Carla, “Parang pareho kaming natatakot na lagyan ng label. Pareho kaming natatakot tanungin yung isa’t isa, “Ano bang title or label,” so kumbaga we’re just going with the flow.”

Pagbabalik nina coco at julia kinabog ang katapat

Pinakapinanood na TV program sa bansa noong Linggo (Marso 22) ang balik-tambalan ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes sa pinakabagong Wansapanataym special na  Yamishita’s Treasures.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, na­nguna sa listahan ng most-watched TV prog­­ram sa Pilipinas ang pilot episode ng Ya­mi­shita’s Treasures taglay ang national TV rating na 27. 4%, o halos 9 na puntos na kalama­ngan kumpara sa nakuha ng katapat nitong prog­rama.

Dahil sa tuwa ng TV viewers at netizens sa bagong proyekto nina Coco at Julia, mabilis naging nationwide trending topic and hashtag na #YamishitasTreasure sa mga sikat na social networking site tulad ng Twitter.

                                        ()

Show comments