^

Pang Movies

Edu damang waging-wagi si Luis ‘pag kumandidato!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Advice ni Edu Manzano sa anak na Luis Manzano in case he finally decide to run for public office in the 2016 elections ay mag-quit showbiz totally. Lalo nga raw kapag nanalo ito.

Which is exactly what he did daw when a few years back he won bilang Makati Vice Mayor.

Naniniwala si Edu na malaki ang tsansa ni Luis manalo sakaling tumakbo siya, lalo’t kapag sa Batangas, especially for Lipa Mayor.

‘Di raw kasi mapapasubalian na maganda ang na­ging record ni Ate Vi (Vilma Santos), both bilang Lipa Mayor at Batangas Governor.

But like Gov. Vi, hindi niya ia-advice kay Luis na tumakbo. Oo, hindi. Bahala raw ito mag-decide sa kanyang sarili.

Edu recalled when Luis, after college, told him he wanted to follow his footsteps as a TV host.

Well, ang naging advice niya sa anak, kung papasukin nito ang showbiz, he might as well be good. As it is nga naman, kapwa magandang legacy ang nilikha nila ni Governor Vi bilang mga showbiz personalities.

 

Joross magiging tatay na, Nadine nangakong magiging hands-on sa magiging anak

Dalawang showbiz pairs ang tiyak na magiging parents this year. First time parents, let’s be specific about it.

Simulan natin with Joross Gamboa at Kate Saga, who were married November of last year. Kate is reportedly two months pregnant, which, no doubt, excited daw si Joross.

Since two months pa lamang ang dinadala ni Kate, ‘di pa raw tiyak ng mag-asawa kung ano ang magiging gender ng bata.

Which, according to Joross is immaterial. Since mapa-babae man o mapa-lalaki ang bata, he/she will be welcomed.

Nag-usap na raw silang mag-asawa na dapat maging hands on ang pag-aalaga nila sa kanilang anak. Kaya, ibi-breasfeed daw ni Kate ang magiging anak.

Ito rin daw ang plano ni Nadine Samonte sa kanilang magiging panganay ni Richard Chua, only son ng aktres na si Isabel Rivas. She will not mind daw kung maging dahilan ito para mamahinga muna siya sa pagharap sa camera.

Two years nang married to Richard, naging aktibo pa rin si Nadine sa paglabas-labas sa TV, until nga her gynecologist discovered she was pregnant.

Isabel daw, who is as excited as she and Richard said, dapat maging maingat siya habang nagbubuntis siya.

All three of them hope, though, na ‘di lang isa ang magiging anak nila ni Richard.

“Mga three or more, will be welcome,” pahayag ni Nadine.

 

Matet hindi na kayang bigyan ng lalaki ang asawa

Alam na ni Matet de Leon na she is giving birth to a baby girl. Since may anak na silang dalawang babae ng asawang cager na si Mickey Estrada, mabubuo na nila ang tatlong Maria.

Muntik na raw siyang magkaanak ng lalaki, which is the wish ni Mickey. Kaso, nakunan daw siya.

At 33, naunawaan daw ng asawa kung bakit ayaw na niyang magbuntis. At this age, ayon kay Matet, mahirap nang magbuntis ang isang babae.

 

Gabby dadalhin ang pamilya sa Korea

For this summer, balak dalhin ni Gabby Eigenmann ang asawa at mga anak sa South Korea.

It’s when summer pala rito sa atin, malamig ang weather sa South Korea.

Plano niyang mag-bonding sila nang husto na magkakapamilya.

Feeling daw kasi ni Gabby, he has every reason to celebrate, since in the many years that he has been in showbiz, it’s only now that he plays the title role in a series.

Gabby is the instant Dad in InstaDad.

Gabby is the eldest son of the late Mark Gil. Dalawa silang magkapatid kay Mark sa ina nilang si Irene Celebre. The other one is a girl.

DAW

JOROSS

KATE

LIPA MAYOR

LUIS

MAGIGING

MATET

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with