Nagulat ang manager ni Allen Dizon dahil ang kanyang alaga ang nanalo bilang Best Actor sa unang Sinag Maynila Film Festival na idinaos nung Sabado ang awards night.
Siya ang gumanap bilang self-destructive ageing hosto sa Japan para sa pelikulang Imbisibol sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Hindi lang mga international awards ang natatanggap ng alaga ni Dennis Evangelista kundi maging sa mga local award giving bodies lalo na sa mga indie movies.
Kasalukuyang nasa Ireland si Allen para sa kanyang pelikulang Magkakabaung (The Coffine Maker) kung saan kasali ito sa 2015 Silk Road Film Festival na nakikipag-compete para sa Feature Film Section.
Alessandra nanalo pa ng award kahit isang linggong hindi nagsuklay ng buhok!
Nanalo sa halos lahat ng kategorya ang Imbisibol maliban sa People’s Choice Award na natanggap ng Ninja Party. Nag-tie para sa Best Actress category sina Alessandra de Rossi para sa Bambanti at Ces Quesada para sa Imbisibol.
Ayon kay Alessandra memorable sa kanya ang Bambanti dahil kumuha pa siya ng crash course sa Ilokano.
‘‘Naiiba ang role ko rito bilang batang ina dahil hindi ako naka-make-up, hindi ako nag-brush ng buhok for a week at naging masaya naman ako,’’ aniya.
Sa kabuuan naging isang malaking tagumpay ang pagdiriwang ng Sinag Maynila Film Festival na brain child nina Wilson Tieng at Brilliante Mendoza.
Max ayaw kay Geoff si Tom ang type
Nag-deny si Max Collins na naging sila ni Pancho Magno. Magkaibigan lang daw silang dalawa. Priority niya ngayon ang kanyang career at sa sobrang pagka-busy sa trabaho ay wala na siyang time sa pakikipag-boyfriend. Gusto niyang makatrabaho si Tom Rodriguez at sana daw ay magkasama sila sa isang teleserye o pelikula.
Bagamat itinutukso din sa kanya si Geoff Eigenmann na kapareha niya sa Kailan Ba Tama ang Mali kaibigan din ang turing niya rito.