MANILA, Philippines - May mga naghihintay kay Jennylyn Mercado sa kanyang pagdating sa kasal ng dating partner na si Patrick Garcia nu’ng Sabado sa Blue Leaf Filipinas. Sad to say, walang Jen na sumipot sa kasal kahit na nga may binitiwan siyang salita na dadalo sa kasal ni Patrick sa girlfriend na si Nicole.
Tanging ang anak nila ni Patrick na si Alex Jazz ang present kasama ang nanay ni Jen. Ring bearer kasi ang bata sa kasal ng ama.
Sa hindi niya pagsulpot, magagawan ito ng intriga ng mga writers. Eh, hindi naman puwedeng sisihin si Jen dahil awkward tingnan na pinanonood niya ang kasal ng dating partner. Eh, kung ibang babae, pinakasalan ng aktor, bakit hindi si Jennlyn gayung may anak na sila?
Siyempre, masakit pa rin ang pangyayari para kay Jen kahit sabihin na friends na sila ni Patrick, huh!
Alex monotone pa rin ang dating ng boses ‘pag kumakanta!
Wala pa rin talagang damdamin si Alex Gonzaga ‘pag kumakanta. Narinig namin ang pagkanta niya ng single ng debut album niya sa ASAP 20 kahapon. Sad to say, monotone ang dating ng kanyang boses, huh!
Okey lang ‘yung ginagawa niyang karaoke challenge sa ASAP. Hindi naman seryoso ‘yon kaya magkawindang-windang man ang boses niya, eh comedy naman ang dating ng hitad, huh!
Eh, buti sana kung novelty ang laman ng album. Eh base sa single, salat naman ‘yon sa pagkakaron ng novelty sa kanta, huh! Sa aspetong ito sana ibinagay ang kanta dahil sa kawalan ng kaseryosohan sa image niya, huh!
May comic factor naman si Alex. Huwag niyang gawing seryoso dahil hindi ‘yon ang gusto ng tao sa kanya, huh!
Mga videos mapapanood na sa halagang piso Viva hindi pahuhuli sa uso
Hindi pahuhuli ang Viva Communications sa mga uso ngayon na paglalagay ng video content sa mga mobile phones. Kamakailan lang ay nakipag-tie up ang Viva sa Globe upang magkaroon ng access ang prepaid customers sa movie clips, concerts, music videos, at iba pang event na produced ng kumpanya.
Ito ang unang pakikipag-collaborate ng Globe sa isang entertainment compay gaya ng Viva after ng kanilang tie up sa NBA at Spotify. Eh ayon sa isang Globe executive, mahilig din sila sa entertainment kaya perfect partner sa kanila ang Viva sa pagbabahagi ng video content na portfolio ng kumpanya.
Isa rin ito sa biggest projects ng Viva na umaasang magtatagal ang tie up sa Globe.
Aba, samantalahin ang oportunidad na ito na ma-download ang exciting entertainment events ng Viva. Imagine, sa halagang piso ay puwede nang makapili ang customer sa mahigit 2,000 na videos. Magagawa nila ‘yan sa one-stop virtual video store na Piso Mall.
Sa gustong maka-jackpot sa tie up na ito ng Globe at Viva, mag-text ng PISO sa 8888 o ‘di kaya ay bisitahin ang http://m.piso.mall.com.ph.