Nalungkot daw si Direk Wenn Deramas nang malaman niyang tuloy ang paglipat ni Comedy Concert Queen AiAi delas Alas at pagpirma na ng exclusive contract sa GMA Network. Noon daw kasi na gusto niyang lumipat ng network, si AiAi ang pigil nang pigil sa kanya, ngayon, nauna nang lumipat ang kaibigan niya. By July, tapos na rin ang contract ni Direk Wenn sa ABS-CBN hindi pa niya sinabi kung magri-renew siya ng contract sa network, dahil non-exclusive naman ang contract niya sa paggawa ng movies sa Star Cinema at Viva Films.
Natatandaan namin na sabi ni Direk Wenn since 25 years na niya ngayon sa showbiz, gusto niyang gumawa ng isang movie na tatampukan ng 25 actors na naidirek na niya.
Magawa pa kaya niya ang movie na tiyak na isa si AiAi sa isasali niya sa cast?
Ang contract kasi ni AiAi sa Star Cinema, matatapos pa sa July din.
Kapuso young actress na si Gabbi Garcia, matagal nanglilinis ng mga kalat sa dagat
Ten years old pa lamang pala ang Kapuso tween star na si Gabbi Garcia, certified diver na siya at ngayong she just turned 16 years old, ang advocacy niya ay tumulong sa paglilinis ng mga basura sa mga karagatan sa pamamagitan ng scubasura. Ipinakita sa 24 Oras noong isang gabi ang muling paglusong ni Gabbi at iba pang divers na kasama niya sa Anilao, Batangas. Malinis na ang dagat sa mga basura kaya natutuwa ang mga diver na ipakita naman ang magandang tanawin sa ilalim ng dagat.
Kahit busy si Gabbi sa new projects niya sa GMA-7, tuloy pa rin siya sa kanyang advocacy, hindi pa niya sinabi kung ano ang kukunin niya sa college, magpipiloto kaya siya dahil sabi niya, kung na-conquer na niya ang karagatan, gusto naman niyang ma-explore ang himpapawid?
Sa ngayon, pinagkakaabalahan muna ni Gabbi ang taping ng Sunday youth-oriented show na InstaDad with Gabby Eigenmann and her two sisters bilang mga triplets, sina Ash Ortega at Jazz Ocampo. Magsisimula na silang mapanood sa April 4, pagkatapos ng Sunday All Stars.
Nagsimula na ring mag-taping si Gabbi ng launching TV series ng love team nila ni Ruru Madrid sa primetime, ang Let The Love Begin na ididirek ni Ms. Gina Alajar.
Miguel sineryoso ang pag-aaral
Isa ring ayaw pabayaan ang studies niya ay ang tween actor na si Miguel Tanfelix, kahit pa halatang nag-slim siya dahil sa trabaho at studies niya. Kahit puyat sa taping ng Once Upon a Kiss, pumapasok pa rin si Miguel sa school sa Cavite.
Kumuha na rin siya ng National Achievement Test (NAT), at today, March 21 ang graduation day niya at ready na rin siyang mag-enrol sa college sa next school year. Business management ang kukunin ni Miguel, saka na raw lamang niya pag-iisipan ang isa pang course na gusto niyang kunin, ang maging pilot. As a graduation gift to himself, bumili siya ng isang SUV car na magagamit niya sa mga tapings niya.