Ibinuko ng karelasyon: Dating Kapuso aktor Alex Castro pinagtaksilan ang asawa, huli rin sa aktong kasama sa kuwarto ang Sexbomb dancer
Nakakaloka naman ang pasabog ng former Survivor Philippines contestant na si Jef Gaitan na nahuli niya sa kuwarto ni Sunshine Garcia ang kanyang boyfriend na si Alex Castro.
The who si Alex? Siya ang dating konsehal ng Bulacan na kalokalike ni Dennis Trillo na nag-join noon sa isang talent search program ng GMA-7.
Si Sunshine naman ang ex-member ng Sexbomb Dancers na kasama ni Jef sa isang gag show ng ABS-CBN.
May kasabihan na “Hell hath no fury like a woman scorned”. Hindi nag-eskandalo si Jef pero inilagay naman niya sa social media ang kanyang discovery kaya hinuhusgahan ng madlang-bayan sina Sunshine at Alex.
Ibinuking din ni Jef na may asawa’t anak na ang kanyang boyfriend na ugali na ang mamangka sa dalawang ilog.
“I went to Sunshine Garcia’s condo and I saw Alex Castro in her bedroom. He did the same thing to his ex wife whom he has an 8-year old son and he did the same thing to me. I guess this should not come as no surprise.”
Wholesome na wholesome ang image ni Alex na nabahiran ng dumi dahil sa pasabog ni Jef. Paano kaya lulusutan ni Alex ang pagtataksil na ibinibintang sa kanya ni Jef?
Christi McGarry tuloy sa Miss Intercontinental kahit repeater na
Mali ang mga hula na magkakaroon ng switching ng mga beauty title dahil sa final decision ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na si Christi Lynn McGarry pa rin ang ipadadala nila sa Miss Intercontinental pageant.
Ang hula ng mga baklita, ibibigay kay McGarry ang Miss Supranational crown dahil nag-join na siya noon sa Miss Intercontinental.
Pero nanindigan ang organizer ng Bb. Pilipinas na walang mangyayari na pagbabago. Kung ano ang mga title na napanalunan ng winners, ‘yon ang kanilang dadalhin hanggang matapos ang reign nila sa 2016.
Pabor kay McGarry na siya uli ang maging delegate ng Pilipinas sa Miss Intercontinental.
May tsansa na siya na mag-win dahil alam na niya ang rules ng contest. Wala siyang ipinagkaiba sa mga repeater ng Bb. Pilipinas na paulit-ulit na sinubukan ang kanilang kapalaran hanggang ma-getlak nila ang beauty crown and title na pinakamimithi.
Bagets pa si McGarry nang mag-join siya noon sa Miss Intercontinental. Nag-mature na si McGarry, nahasa na siya sa pagsali sa mga beauty contest at nadagdagan ang kanyang confidence kaya may pag-asa na siya na mag-win sa Miss Intercontinental.
Max parang si Gwen lang ANG DRAMA?!
Nag-wonder ang mga reporter sa pralala ni Max Collins na hindi na sila “dating” ni Pancho Magno dahil parang kailan lang nang makita ang kanilang litrato na magkasama sila.
Well, marami ang puwedeng mangyari sa loob ng isang minuto at isang araw. Malay natin kung biglang nagbago ang priorities ni Max?
Baka another Gwen Zamora siya na parang kailan lang, in love na in love sa anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kaya nabigla ang kanyang friends nang ma-sight ang mga picture ng kanyang ex-boyfriend at ni Ellen Adarna.
Hindi pa nagsasalita si Gwen tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Raymund Romualdez dahil walang chance ang mga reporter para makausap siya.
Isyu para sa friends ni Gwen ang picture na magkasama sina Ellen at Raymund dahil supposedly, close friends sila ni Ellen na nakasama niya noon sa Bubble Gang.
- Latest