Ang bigat sa kalooban habang pinapanood namin ang video footage ni Amalia Fuentez sa cremation ng kanyang anak na si Liezl Martinez na ginanap last Monday.
Magmula sa paglabas niya sa room hanggang sa magsalita siya sa media hanggang sa dumating si Aga Muhlach at makasakay siya sa kanyang van ay nakunan ng camera ang pagdadalamhati at sama ng loob niya sa umano’y ginawa sa kanya ng host ng cremation ceremony.
Ang ikinakagalit ni Amalia, lahat daw ng tao ay binanggit ng host, even Liezl’s friends pero silang magulang (she and Romeo Vasquez) ay hindi man lang daw binanggit.
Napaiyak kami habang umiiyak sa sinasabi ni Amalia na akala raw niya ay mauuna siya kay Liezl at hindi raw niya akalaing mae-experience ang araw na ito which is the worst day of her life.
“I feel like ako na ang dapat mamatay,” tumatangis niyang sabi.
Nakaka-touch din ang pagyakap niya sa pamangking si Aga na parang humahanap ng mapagsusumbungan at kakampi. Sabi niya sa aktor, “you’re the only one who can understand me.”
Umiiyak pang sabi niya sa pamangkin, “You know I love Liezl. I did not abandon her.”
Habang naglalakad patungo sa sasakyan ay naglilitanya’t umiiyak pa rin si Amalia at aniya, “I’m leaving, because ‘yang mga host na ‘yan! Don’t ever come to this place again!”
Paalis na lang siya ay sinasabi pa niya na mga bastos daw ang host at kabastusan ang ginawa sa kanya.
“I want the public to know that,” sabi pa niya.
It was so heartbreaking. Nakakadurog ng puso ang panangis ng isang ina who lost her child at kahit sinong ina ay hindi talaga nanaising na maranasan ito.
Edu may gagawin ding talk show!
Hindi exclusive ang kontrata ni Edu Manzano sa ABS-CBN and on a per project basis lang siya at aniya, mas ok sa kanya ang ganito.
“Ang hirap kasi ng may kontrata, eh. Mas maganda kasi ‘yung mayroon ka ring freedom to choose,” he said.
May tatlo rin kasi siyang restaurants na inaasikaso kaya hindi rin naman daw niya kayang mag-full time sa showbiz.
Pero inamin niyang may inihahanda ring hosting job sa kanya ang Kapamilya network. Nang tanungin nga namin kung true rin ba na pagsasamahin sila ng anak na si Luis Manzano sa isang talk or reality show, nagbiro siyang ang magiging problema raw ay ang billing kung sakali.
Pero bawi rin niya, “No, no, ako, I don’t care basta tama lang ‘yung sabi nga, just spell my name right. Basta ma-spell mo lang ng tama, ok na sa akin.”
Pero okay ba sa kanya na magsama sila ng anak sa isang show?
“Oo naman, oo naman. Actually, mayroon kaming project minsan na pinag-uusapan, eh. I would love to work with my son.”
Sa tingin kaya niya ay magsasapawan sila sa talk show?
“No, ang problema, baka hindi makapagsalita ang bisita namin,” natatawa niyang sabi. “Ako, I’m so sure. Minsan, sinubukan na namin, eh. Kami, tawa kami nang tawa, batuhan kami nang batuhan (ng sagot), ‘yung isang bisita, hindi na nakapagsalita.
“So I don’t know kung talk show is the right word. Baka dapat, parang “Edu said, Luis said”, ‘yung parang ganu’n lang. Parang isang topic, tapos magdedebate kami,” he said.
Kasisimula pa lang ng Bridges of Love drama series na kinabibilangan ni Edu at kuwento nga niya, magte-taping daw ang serye sa Japan at hindi raw siya kasama.
“Sila magdya-Japan, eh. Eh this is the perfect time of the year kasi Cherry Blossoms ngayon doon, eh,” say niya.
Balak nga raw niyang sumama dahil never pa raw siyang nakakita ng cherry blossoms.
“Sinasabi ko nga, kung puwede, sasabay na lang ako, gamitin ko ‘yung corporate trade ng ABS-CBN or kung anuman ang promo para lang makasama dahil never pa akong nakakita ng cherry blossoms,” say pa ni Doods.