^

Pang Movies

Tadhana highest grossing indie film na raw

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bongga ang Cinema One Originals film na That Thing Called Tadhana dahil patuloy ang tagumpay nitong tinatamasa. After ng successful nationwide release nito noong Pebrero, ang pelikula na tampok ang unang tambalan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman ay ipapalabas na rin ito sa US simula Marso 27 (Biyernes).

Balitang pumalo ang kita nito sa 134 million pesos at tinagurian ngayong highest grossing indie film of all time. Umani rin ang romantic-comedy film ng mga parangal kasama na ang Audience Choice at Best Actress awards sa 2014 Cinema One Originals Film Festival at Best Actor award naman sa Gawad Pasado.

Napili rin ang That Thing Called Tadhana sa iba’t ibang international film festivals. Sasabak ito sa Osaka Asian Film Festival 2015, Los Angeles Asian Film Festival, at sa Hawaii International Film Festival.

Masaya rin si Angelica sa tinatamasang tagumpay ng kanilang pelikula. Kamakailan lang ay ipinahayag ni Angelica ang kanyang excitement sa international screenings ng  Tadhana sa victory party ng pelikula.

Kamakailan ay nanalo ring best actress si Angelica sa Gawad Tanglaw.

“Sabi ko nga ma-nominate ka lang kasama nila ate Guy (Nora Aunor), ate Vi (Vilma Santos), at Sharon Cuneta ay malaking bagay na. It’s such an honor na maitabi yung pangalan ko sa kanila,” dagdag ni Angelica.

Samantala, malaki naman ang utang na loob ni JM sa pelikula na nagpapanalo sa kanya ng una niyang best actor award.

“Nagpapasalamat talaga ako na sa akin binigay ang role ni Anthony. Mula simula, may tiwala po ako sa script at sa mga tao sa likod ng pelikulang ito. Biruin mo may international screening agad so sobrang nakakatuwa. Unbelievable lang,” natutuwang sinabi ni JM at proud siya dahil mas mara­ming tao ang mae-expose sa mga produkto ng indie filmmakers, actors, at producers.

Jillian Ward inayawanang magarbong birthday party

Kapiling ng child actress na si Jillian Ward sa kanyang 10th birthday ka­makailan ang mga ka­bataan ng OnesimoBulilit Foundation, Inc.

Ang OnesimoBulilit is a non-profit, non-government organization which caters to the needs of street children and their respective families.

Instead of a lavish birthday party, Jillian treated the kids to an afternoon of fun games, entertainment, and exciting rides sa Star City.

From TrudisLiit, Daldalita, and My BFF, Jillian joins GMA’s newest ins­pirational drama series, Pari ‘Koy. (SALVE V. ASIS)

ANGELICA PANGANIBAN

AUDIENCE CHOICE

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

CINEMA ONE ORIGINALS

CINEMA ONE ORIGINALS FILM FESTIVAL

FILM

JILLIAN WARD

THAT THING CALLED TADHANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with