MANILA, Philippines – Umani ng mga magagandang komento ang pinakabagong faith-serye ng GMA na Pari Koy mula sa mga pari. Sa pangunguna ng direktor na si Maryo J. Delos Reyes, nagkaroon ng pagkakataon ang isang Catholic layman at ilang mga pari mula sa iba’t ibang religious orders na mapanood kagabi (Marso 12) ang pilot week ng serye.
Pilot episode pa lang ng Pari ‘Koy ay bumuhos na ang suporta ng netizens lalo na tungkol sa pagkakaroon ng ganitong klaseng konsepto na nagpapakita ng buhay ng isang pari at kung paano niya inaalagaan ang kanyang parokya at mga tao rito. At tulad nila, naka-relate din ang mga naimbitahang pari sa karakter ni Father Kokoy na ginagampanan ng Primetime King na si Dingdong Dantes.
Binigyang-pansin ni Rev. Fr. Francis Lucas, Executive Secretary of the Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media of the Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), ang karakter ni Father Kokoy bilang isang hindi tradisyunal na pari. Bukod dito, nagbigay din siya ng mga suhestiyon para sa mas ikakaganda pa ng programa na dapat abangan ng mga manonood.
Mapapanood ang Pari ‘Koy gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.