MANILA, Philippines – Pinasyalan namin si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kamakailan sa pag-aakalang darating ang tatay niya na may birthday ng araw na ‘yun. Pero bigo kami dahil may sakit ito noon. May kaunting fever daw ito. Pero ganun pa man, nagpagawa ng birthday cake si Bong para sa pinakamamahal na ama, na si Ramon Revilla, Sr. na 88 years old na pala.
Sa tantiya ng kaibigan ni Bong na si Portia Ilagan, may 72 na anak si Mang Ramon. “Kung may lalapit sa kanya na anak daw siya, tanggap naman daw niya ito pero tinatanong muna niya kung sino ang ina nito. ‘Pag pera lang ang motibo, tinatanong niya kung magkano gusto nito. ‘Pag sinabing sampung piso. Sampu talaga ang ibinibigay niya. Ayaw ni Mang Ramon na manghihingi ka ng sampu pero isangdaan pala o isang libo ang gusto mo.
Isa pang paraan ni Mang Ramon para makilala ang tunay na anak ay ang paghipo nito ng likod ng ulo ng nagpapakilalang anak. Sa pamamagitan nun, alam niya kung anak nga niya ito o hindi,” kuwento ni Portia sa amin.
Isa pang layon namin kay Bong ang sitwasyon ni Cavite VG Jolo Revilla na balitang nagpakamatay. Pero diin niya, “My son did not commit suicide. Jolo has a strong personality. Malambing siya, mapagmahal, very generous. Hindi siya abusadong bata.”
Isang buwan na magpapagaling sa bahay si Jolo bago sumabak muli sa trabaho bilang Vice Governor ng Cavite. Birthday niya sa March 18 at 27 years old na siya.
Advance happy birthday Jolo and we always pray na malalampasan ninyo ang anumang pagsubok!
Gretchen ayaw magpaka-nega
Obiously, hindi pa magkasundo sina Marjorie Barretto at Gretchen Barretto na nag-ugat ang pag-aaway nang isapubliko ng huli na mas hanga siya kay Liza Soberano na archrival ng pamangking si Julia Barretto.
Pero ganun talaga si Gretchen, prangka wika nga. Sabi ni Gretchen sa kanyang Instagram (IG) account: “At age 45, I can say that I have gone through so much, a lifetime for anyone. So many nasty things have been said to my face by strangers, by all friends and even by love ones.
“Life on earth is definitely far from perfect. But thank God I have established my relationship with Him. This has taught me so stay in the moment, to bask in it and to be grateful for everything I have. “
Kitang-kita natin na sa Maykapal humuhugot si Gretchen ng kalakasan para harapin ang pain ng buhay.