Bahay ampunan sa Bulacan nagbunyi sa pagkapanalo ni Nora

MANILA, Philippines – Masaya ang mga batang ulila na nakatira sa Hospicio de Porres sa Bustos, Bulacan. Paano ba naman, ang na­nalong Best Actress sa Star Awards for Movies ay ang Superstar Nora Aunor para sa pelikulang Dementia.

Kinunan ang naturang movie sa nasabing place sa Bustos at malaki ang participation ng mga bata sa bahay ampunan.

Ramon Revilla Sr. may sakit nung birthday

Ika-88th birthday na ni ex-Sen. Ramon Revilla, Sr. noong March 8, balak sana nitong bumisita sa kanyang anak si Sen. Bong Revilla, Jr. sa Crame para doon mag-celebrate ng kanyang kaarawan. Ang problema, nagkasakit siya at nilagnat. Kaya hindi natuloy ang pagdalaw niya kay Bong!

Hinandugan siya ng Rondalla orchestra at harana ng anak ni Mayor Strike Revilla.

Ang Tita Marita, sister ni Senator Bong na lang ang bumisita sa Crame. Baka raw kasi mapagod ang ama dahil naka-wheel chair pa ito.

Fans nina Jodi at Richard ipinagdadamot si Ser Chief kay Juday?

Hindi naman dapat kuwestiyunin ang magiging tambalan nina Judy Ann Santos at Richard Yap sa bagong serye sa ABS-CBN. Kung reyna man ang tingin ng fans kay Jodi ‘yun ay dahil matagal din naging reyna ng masa si Juday noon at hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula kaya hindi dapat ipagdamot ng kanilang idol si Ser Chief.              

Show comments