MANILA, Philippines - Papangalanan na bukas, Linggo kung sino sa 34 na naggagandahang Pilipina ang mag-uuwi ng korona para sa Binibining Pilipinas coronation night na magkakaroon ng live telecast sa ABS-CBN at replay sa Lifestyle Network sa Lunes (Marso 16).
Kaabang-abang ang coronation night ngayong taon dahil maliban sa ika-52 taon na ito ng Bb. Pilipinas, makukulay at iba’t iba ang background ng mga kandidata. Tampok ngayong taon ang mga nagwagi sa mga nakaraang local beauty pageants, working professionals, graduates mula sa top schools, at celebrities.
Balik sa kompetisyon ngayong taon sina Pia Wurtzbach at Hannah Ruth Sison na parehang nakapasok sa top three sa mga nakalipas na Binibini coronation nights. Noong 2013, si Wurtzbach ang tinanghal na first-runner up, ngunit bigo siyang makapasok sa top five last year, habang si Sison naman ay umaasang makokoronahan matapos manalo noong nakaraang taon bilang second runner-up.
Samantala, marami ring baguhan ang sasabak sa kompetisyon kabilang sina Ann Lorraine Colis, Alaiza Flor Malinao, Kylie Verzosa, at Teresita Ssen “Winwyn” Marquez. Si Marquez ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na pumasok na rin sa showbiz. Mataas ang pressure sa dalaga dahil pamangkin siya ng Miss International na si Melanie Marquez.
Sino-sino ang papalarin at magiging kinatawan ng bansa sa international beauty pageants ngayong taon? Abangan sa Binibining Pilipinas 2015 coronation night sa Smart Araneta Coliseum na eere ng live sa ABS-CBN sa Linggo, 9:30 PM. May replay rin ito sa Lifestyle Network sa Lunes, 6:30PM.