Sharon bagay daw sa The Voice of the Philippines

MANILA, Philippines - Napaiyak si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang “pagbabalik-bahay” sa ABS-CBN. Sa loob ng three years, balik-tahanan sa kanyang home sweet home ang Megastar. Wala na siya sa Viva Films at malaya na siyang gawin uli ang nais gawin sa career.

Tamang panahon lang pala talaga ang hinihintay ng lady executive ng Dos na si Ms. Charo Santos para sa comeback ni Mega. Tamang-tama kay Sharon ang bagong show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar. May mga nagsasabi pa nga na higit sanang karapat-dapat si Mega sa show ng Dos na The Voice of the Philippines.

Migs pinaiyak ang ina!

Masuwerte ang GMA child star na si Migs Cuaderno dahil nanalo ito bilang Best Child Performer sa katatapos na Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) kung saan naka-tie niya si Bimby Aquino Yap.

Alam ba ninyo na si Miggs ay pasama-sama lang noon sa sister niyang si Julia Chua sa mga taping at shooting nito sa TV5?

Hindi akalain ng mommy niyang si Jody Chua na magbe-Best Child Performer ang kanyang anak! Napansin nga namin, umiiyak sa tuwa ang ina ni Migs, habang inaabot sa kanya ang award. Congrtas…

Kasali siya sa teleseryeng Second Chances bilang adopted son ni Camille Pratts. Mukhang malayo ang maabot ng batang ito sa pag-arte.

Personal...

Happy birthday kay Sto. Domingo Quezon City Chairman Richard Yu. Sa halip na magpaka-bongga ng kaarawan, mas pinili niyang tumulong sa ilang kababayang kapus kasama ang kanyang lovely wife na si Amanda Amores. Kagawad ang anak nilang si China Yu.

Congratulations din kay Dr. Jorel Sungcang Betita, ng Roxas, Oriental Mindoro na nakapasa ng Board Exam sa pagdodoktor. Graduate siya ng FEU at anak nina Mr. at Mrs. Dante Betita.

Sa March 22, fiesta ng Guimba Nueva Ecija ay isasabay ang awarding ng Mr. Teen Guimba 2015, ng showbiz group headed by Ms. F a.ka. Fernan de Guzman.                                                                 

Show comments