Michael V. gagayahin ang Filipino Dubai-based fashion designer ni Marian

MANILA, Philippines – Siguradong mapupuno ng tawanan ang episode ngayong Biyernes ng longest running comedy/gag show na Bubble Gang dahil makakasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Makikipag-meeting muli si Marian sa isa sa mga paborito niyang fashion designer para sa isang event na kanyang pupuntahan. Imbes na si Michael Cinco, si Michael Five ang makakaharap ni Marian. Hindi dapat palampasin ang nakakaaliw na paggaya ng Kapuso comedian na si Michael V. sa kilalang Filipino Dubai-based fashion designer.

Bukod sa mga nakakaaliw na gags na ihahatid ng buong barkada, abangan din ang segment ni Diego na Atlit gayon din ang segment na Binatilya na tungkol sa pagdadalaga ng isang bading.

Mapapanood ang Bubble Gang tuwing Bi­yernes ng gabi pagkatapos ng Second Chances sa GMA.

Show comments