Maganda ang showbiz career ngayon ni Aiko Melendez. May bago siyang teleserye sa ABS-CBN titled Inday Bote kasama sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, and Matteo Guidicelli. Bukod diyan, kapapanalo lang niya bilang Best Actress sa 7th International Filmmaker Festival of World Cinema sa Foreign Language Film na ginanap sa London, England para sa pelikulang Asintado.
Sobrang saya ni Aiko na siya ang nahirang na Best Actress dahil hindi rin naman daw biro ang mga nakalaban niyang mahuhusay din at mga beteranong aktres.
In fact, say niya, dala-dala raw niya lagi ang trophy niya ngayon saan man siya magpunta.
“Talagang sobrang flattering at talagang masayang-masaya ako. God loves me talaga,” she said.
Wala si Aiko sa London para personal na tanggapin ang kanyang award dahil may taping siya ng Inday Bote.
“Pero ibig sabihin naman nu’n, para sa akin talaga ang award kasi nandito na sa akin, kahit wala ako doon, eh ako talaga ang nanalo,” say niya.
When asked kung magiging mapili na ba siya sa role ngayong may international award na siya, aniya ay dati pa naman daw niya talagang pinipili ang mga projects na tatanggapin niya.
“After ng MMK (Maalaala Mo Kaya) win ko, naging mas mapili na ako sa mga roles na ginagawa ko, and siguro ngayon, mas magiging mapili at mas magiging. . .ano ba ang word na tamang gamitin? Hindi naman meticulous pero mas ‘yung gagawin ko na talaga ang gusto kong gawin kaysa ‘yung gagawin mo lang just for the heck of parang makita lang nila na nakabalik ka sa show business. Ngayon, mas de kalidad ang gagawin kong pelikula and hopefully, sa mga TV shows din. Eto, inumpisahan na nga ng Inday Bote, hindi naman ako mapapahiya na ang unang soap ko for this year ay tinanggap ko ang Inday Bote kasi pag pinanood n’yo, sa effect pa lang namin, ginastusan talaga, and ‘yung istorya namin, ang ‘yung role ko rito, kakaiba,” pahayag ng aktres.
When asked kung kumusta naman si Alex sa comedy compared kay Maricel Soriano na orihinal na bida ng Inday Bote, aniya ay hindi naman daw dapat magkaroon ng comparison dahil iba raw ang Inday Bote ngayon kaysa sa Inday Bote noon.
“Kaya nga iba ‘yung treatment na ginawa ng Dreamscape, dahil ayaw namin na may masasabi ‘yung manonood na “ay bat ganu’n, mas magaling yung ganu’n or mas pinaganda”. Sa amin po is ‘yung istorya namin, and si Alex talaga ang bagay dito sa Inday Bote.
“With due respect to Inay Marya (Maricel), siyempre, iba pa rin ang original pero iba rin ang atakeng ginawa namin ditto.”
May nakikita ba siyang potensyal kay Alex sa pagiging comedienee?
“Oh, her timing is fantastic, and then, ‘yung pagiging natural niya, ‘yun ‘yung isang bagay na ano, kasi hindi ko pa siya nakakaeksena, pinapanood ko pa lang siya sa monitor pag siya ang nauuna sa akin, pero wala pa kaming harapan, ‘yung ano nung bata is napakatural kaya tingin ko, siya talaga si Inday Bote,” say ni Aiko.
Natanong din ang aktres kung ano ang plano niya sa 2016 elections, kung tatakbo ba siyang muli or hindi na.
Matagal-tagal din kasing nag-serve si Aiko as Councilor ng 2nd District ng Quezon City and during those times ay nag-lie-low siya sa pag-arte.
Pero aniya, ngayon daw ay sa pag-arte naman siya magpo-focus.
“Wala pa po sa plano ko but if I’m ever to base my decision today for my life, I’m not going to run. Today po. Kasi nga, madami pong projects na nakalinya sa akin ngayon na I might be unfair naman on politics that my time would be away from them.
“And I’m someone kasi na if I put my heart and soul into it, I give my hundred percent time eh baka this year, hindi ko po mabigay ‘yun, so focus muna po ako sa pag-aartista,” pahayag ni Aiko.
Kumusta naman ang love life?
“Wala. ‘Di ba ‘yun ang sabi nila, ‘pag swerte ka sa work, and swerte ka sa iba pang aspeto, wala kang love life. Eh although, mayroong mga nagpaparamdam na multo. Hindi, dwende, actually,” natatawa niyang sabi.
Magsisimula na ngayong March 16 ang Inday Bote at kasama rin dito si Alonzo Muhlach na anak ni Niño Muhlach.