Hindi plastic at totoong rich Vicky Morales waging Darling of the Press
MANILA, Philippines – Excited na dumalo sa 31st Star Awards for Movies ang GMA-7 newscaster na si Vicky Morales matapos matanggap ang ika-apat na niyang nomination sa Darling of The Press category. Si Vicky ay nasubukan na ng maraming kasamahan sa panulat kung papaano makitungo sa kanila. Napaka-warm at feel na feel mo sa kanya ang taos-puso niyang pakikisalamuha sa mga ito nang wala halong kaplastikan.
Meron kasi na nakikipagtsikahan lang dahil kailangan sa trabaho nila at nakikipagplastikan. Pero ang babaeng ito ay kapuri-puri at take note, lumaki siya sa mayamang pamilya. Nakatira pa sila sa magarang tahanan sa isang very exclusive subdivision na tinitirahan ng maraming old rich.
Gayunpaman, ay normal na normal itong kumilos at walang kaere-ere sa katawan unlike ng isang newscaster na laging naba-blind item na feeling belong sa mga rich and famous.
Sobra ang yapos ni Vicky sa trophy na natanggap niya bilang 2015 Darling of the Press at ito raw ang pinakamahalagang trophy na natanggap niya at hindi niya malilimutan.
Kaya hindi siya magkamahog na magpasalamat sa lahat ng PMPC (Philippine Movie Press Club) members. Biruin ninyo, alas-kuwatro pa lang ay nagpadala na siya ng mensahe sa Chairman ng GMA-7 para payagan siyang maka-attend sa Star Awards for Movies komo sa ABS-CBN ito eere sa March 22. Almost 8 p.m. na niya natanggap ang blessing ni Atty. Felipe Gozun at nagpapasalamat siya na nakaabot siya para makuha ng personal ang award.
Gretchen naluha, feeling artista na talaga dahil sa award
Dapat noon pa raw pupunta ng London si Gretchen Barretto para bisitahin ang anak pero nagpaalam sa anak kung puwedeng ma-delay ang biyahe niya after makatanggap ng nomination sa 31st Star Awards for Movies para sa Best Supporting category sa pelikulang The Trial kung saan si John Lloyd Cruz ang bida. Hindi naman nasayang ang pagdalo niya at nakamit nito ang award kasama ang co-actress sa The Trial na si Sylvia Sanchez. Sa acceptance speech ni Gretchen ay ikinuwento niya na si Mother Lily Monteverde ang naka-discover sa kanya at ang una niyang pelikula noong bata pa siya ay 14 Going Steady. Kaya naluluha siya nang maramdaman na isa siyang artista dahil sa award.
Kinabukasan ay lumipad na sila ni Tony Boy Cojuangco papuntang London.
Vin masaya na may trabaho na uli ang kapatid
Si Vin Abrenica pala ang unang natuwa sa pagbabalik-GMA ng kapatid na si Aljur Abrenica. Ramdam daw niya sa kapatid ang kasiyahan nito matapos bumalik sa Sunday All Stars na napapanood tuwing Linggo. Maganda raw ang welcome na ibinigay ng mga kasamahan sa SAS. Ilang beses na palang tinatawagan si Aljur para sa SAS pero last week lang siya nagpakita.
Si Vin ay kasama sa cast ng Wattpad Presents: My Fiancé Since Birth kasama si Yassi Pressman na nagsimula nang mapanood nitong Lunes at mapapanood gabi-gabi hanggang Biyernes sa TV5. Bale, nasa last episode na sila ng second wave ng Wattpad under the direction of GP San Pedro.
Grand reunion
Pakisuyo ng Program Manager ng Half Sisters, may magaganap daw na Grand Reunion ang Jose L. Leido, Jr. Memorial National High School Batch 1990. Bale 25th Grand Reunion daw ito sa April 4, 2015. Ang contact person daw ay si Norman Alcoba at Ferdinand Abas with contact number (0919) 266-6658. Nasa Facebook ang further announcement sa JJLEIDO BATCH 1990 page.
- Latest