MANILA, Philippines – Tratong Megastar pa rin ang ibinigay kay Sharon Cuneta ng ABS-CBN kahapon matapos apat na taong pagkawala sa network. Nagkaroon muna siya ng contract signing bago siya humarap sa press kung saan with matching string quartet ang tumutugtog ng mga pinasikat niyang kanta.
Ang variety show na Your Face Sounds Familiar ang comeback show ni Shawie sa Kapamilya Network na 24 years niyang naging tahanan. Pero open na rin siya sa paggawa ng drama sa susunod niyang show.
“Thank you for welcoming me here in my home where my heart never left. Kasi hindi na…Matagal na akong hindi lumalabas sa ere. More than a year na. I just want to say thank you for making this day special for me by being here.
“Parang feeling ko, meron pa palang may pakialam! Ha! Ha! Ha!” panimula ni Sharon na 40 pounds na ang timbang na nabawas.
“There are no words to describe how happy I am. Sabi ko nga kanina, I am very, very happy. Pero parang hindi enough ‘yung words na ‘yon. I have no words for what’s going on inside my heart now.
“It’s overwhelmingly wonderful! Hayyy. Alam mo ‘yung pagpasok mo pa lang, ‘Hay, nakauwi na rin! Ha! ha! ha! Nagbakasyon lang. Tapos, pag-uwi, walang nagbago sa tingin ng Kapamilya mo,” sabi pa ng Megastar.
Paano ba nangyari ang negosyasyon sa kanyang pagbabalik?
“We never lost touch naman. But never naman once we talked about work. Kami nina Tita Charo (Santos-Concio), Tita Cory (Vidanes), Inang Olive (Lamasan), Tita Malou (Santos).
“I just want to say that Tita Charo was the first one to know na wala pang may alam na wala na ako sa nilipatan kong station. Alam na ni Tita Charo and it wasn’t because…I didn’t ask for anything. It was respect because she was mother and sister combined.
“And then, parang not even a month or two later, may secret meetings na kami nina Tita Charo, Tita Malou, Inang in all the planning. It was so touching kasi I was very humbled by my experiences last three years. To welcome with an open arms…It’s not just that eh. To be welcome home with open hearts? ‘Yon! Ha! ha! Ha!
“Wala, walang nagbago. Parang nandito lang ako last week. Walang nagbago sa mga sumalubong sa akin. There was really no place like home. This is really…I just don’t belong anywhere else!” paliwanag ni Shawie.
Naka-focus muna siya sa pagiging isa sa juries ng YFSF. Thirty three countries kasing kilala ang variety show.
“I was given the powerpoint presentation and some footages of the US show. My daughters loved it. Excited sila.
“After this, alam kong there are some projects in the work. So siguro they are just taking their time. Siguro they just want it to be perfect and I am very excited for those also. But for now, I am just happy to be home and doing this show kasi it’s fun-filled.
“Alam mo ‘yung hinahanap o kailangan ng tao ngayon. ‘Yung saya, ‘di ba? Musika at talento talaga every week. I’ve never been in anything like this before,” katwiran pa ng singer-actress.
Natanong din kay Sharon ‘yung taong nag-betray ng trust sa kanya na inihayag niya sa social media sa Face Book.
“Actually, what I wished is that I just wish for a reconciliation. It’s blood. Life’s too short,” rason ni Megastar.
How much weight did she lose?
“My mind or my weight? Ha! Ha! Ha! I’m just joking.
“You cannot really think how big I became. Actually, nawala ang taping, I had no work. Kulang na lang hanapin ko si Kiko sa umaga kasi nalunok ko! Ha! Ha! Ha!
“So siguro, a little over 40 pounds in the beginning. Pero I have several more to go bago ko ma-fulfill ‘yung pagiging bold star ko! Ha! Ha! ha! ‘Pag sinabi ko talagang bold star pinagtatawanan ninyo ako! Ha! Ha! ha!
“But kasi so much happened. Parang when you think it’s over biglang meron na naman bagong… I just screwed up on my eating siguro. I just have to be careful din because I have a problem with my blood pressure for now,” bulalas ni Shawie.
Fifteen pounds pa ang gusto niyang ibawas sa timbang dahil hindi naman siya mahilig sa exercise.
Ibinalita rin ni Sharon na wala na siya sa poder ni Boss Vic del Rosario bilang manager. Si Sandra Chavez na ang kasama niya.
“I might produce my albums. So my children can own some of these also. Dahil forty years wala akong pag-aari sa kahit anong nagawa ko! It will be released hopefully by Star Records or another company,” sabi pa ni Shawie.
Naging aktibo nga si Sharon sa FB kung saan niya inanunsyo ang pagbabalik. Ngayong balik-trabaho na siya, may time pa kaya siya sa social media?
“Well, to keep in touch din to my supporters. I’d still be the same. Actually, what happened then is na-shock ako eh. Ganito ba ang mga bata ngayon? ‘Yun walang respeto. So pagdating sa Twitter, ko, ‘My God! Ang mga batang ito ang babastos! So para kang mommy na gusto mong paluin eh you can’t win so I chose na lang to focus on those who love me talaga and supporting me.
“The things huwag mo na lang basahin lahat! You can’t please everybody but I am better to express myself sa Facebook page. Kasi nakaka-type ka ng mahaba, nakakakita ka ng reaction. Tapos ‘pag may nakita kang masakit, ‘yung merong nanggugulo, delete! Ha! Ha! Ha! I’m not proud of that thing pero tao lang!” dahilan pa ng Megastar.
Ang isang naka-touch kay Shawie sa pagbabalik sa Dos ay ang walang mga tanong sa kanyang pagbabalik sa Dos.
“I said I wanna be grateful, Everybody of us should be grateful to our experiences anywhere. So I can’t say I regret 100 percent because I made some friends naman to the other station.
“Pero parang…sabi ko nga kanina, parang fish out of water. Tapos, pagpasok ko kanina rito, ahh, heto, I am breathing again normally. Ganoon. Parang nakauwi ka. Para kang ibinalik sa dagat! Kung isda ka, nakakahinga ka na ngayon!” diin pa ni Sharon.
Pagdating sa pakikipagtrabaho sa ibang artista, wishing din si Sharon na makatrabaho ang anak, maging ang ex-husband na si Gabby Concepcion at ex-boyfriend na si Richard Gomez pati ang pamangkin ni Robin Padilla na si Daniel Padilla, huh!