Inamin ni Ogie Alcasid na naiiba ang pagho-host niya ng bagong singing search ng TV5 na Rising Stars Philippines kaysa mga una niyang nai-host noon dahil sumasama siya sa mga provincial auditions. Although hindi lahat ng 20 cities na pinuntahan ng production staff headed by Andrew Gonczi, CEO ng Rising Stars Asia na co-producer ng TV5 ay sinamahan niya.
Speechless daw siya kapag naririnig niya ang mahuhusay na pag-awit ng mga contestants, na very raw pa ang mga talent pero puwedeng mabigyan ng pagkakataong sumikat. Sila raw iyong mga contestants na hindi pa napanood sa alinmang talent shows ng GMA-7 at ABS-CBN. Naniniwala siyang makakakuha sila ng isang mahusay na mananalo ng P500,000 in cash at siya at ang dalawa pang mapipili na tatanggap ng P250,000 at P100,000 each ay puwedeng mag-go see sa office nila based in Hong Kong.
Pero may twist ang contest dahil kahit napili na nila ang 12 finalists, ayon kay Ogie, kung may kilala raw ang mga entertainment press na may maganda ring boses at hindi pa nakaka-join ng mga singing contests, puwede silang sumali pa at kalabanin ang mga finalists na napili na.
May online audition muli sila sa March 28 & 29 at ang mapipili ay makaka-join na sa live telecast nila simula sa April, at tatanggap din ng cash prizes.
Co-host ni Ogie si former beauty queen Venus Raj at singer and dancer Mico Aytona. Mga judges sina Nina na first time lamang mag-judge sa isang singing contest, acoustic singer Jimmy Bondoc at si Papa Jack na favorite advice giver and confidante.
Magsisimula nang mapanood sa Sabado, March 14 ang Rising Stars at Linggo, March 15, 9:00 p.m. pagkatapos ng PBA.
Tatagal ang show ng ten weeks, 19 episodes at ang grand night ay sa May 17. For more information tungkol sa contest, bisitahin lamang ang kanilang website na www.risingstars.ph or contact andrewgonczi@risingstars.asia.
Yassi gustong sundan ang mga yapak nina Sarah at Toni
No problem kay Yassi Pressman kung wala siyang network contract at since pumasok siya sa GMA four years ago, pawang program contract lamang siya kaya hindi nagdalawang-isip na pumirma sa Viva Entertainment ng five-year contract at late last year, a new 10-year management contract naman.
Libre siyang nakakaka-appear sa iba’t ibang network. Like ngayon, second na niya sa Wattpad Presents: My Fiancee Since Birth na mapapanood na simula mamaya, 9:00 p.m. sa TV5, with Vin Abrenica and directed by GB Sanpedro. Gusto ni Yassi na sundan ang yapak nina Sarah Geronimo at Toni Gonzaga na puwede siyang mag-host, umarte, kumanta at sumayaw.
Gabby hindi na takot sa fans ni Dingdong
Nagdalawang-isip din pala si Gabby Eigenmann nang i-offer sa kanya ang kontrabida role sa Pari ‘Koy ni Dingdong Dantes na pilot telecast na mamayang gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
Naalaala raw niya noong una silang nagkasama ni Dingdong sa Endless Love na kahit hindi naman si Dingdong ang pinagmalupitan niya kundi si Marian Rivera, nagalit sa kanya ang maraming fans ng aktor. Hindi siya makasama sa GMA Pinoy TV shows abroad dahil ayaw sa kanya ng fans. Pero tinanggap pa rin niyang kalabanin ngayon si Dingdong kahit pari ang role nito, alam daw niyang nag-mature na ang mga fans saka isa raw siyang artist at hindi isang celebrity.