MANILA, Philippines – Muling magbubukas ang pinakasikat na bahay sa bansa para markahan ang ikasampung anibersaryo ng Pinoy Big Brother. Kaya naman kasabay nito ay ang muli na namang paghahanap ni Kuya ng susunod na housemates na titira sa kanyang bahay.
Magbaon na ng pagpapakatotoo at lakas ng loob at pumunta sa PBB auditions ng programa ngayong Biyernes at Sabado (Marso 6 at 7) sa Red Gate Entrance ng Araneta Coliseum.
Magbubukas ang auditions sa aspiring regular housemates na edad 18 hanggang 35 sa Biyernes, habang ang teens na edad 13 hanggang 17 naman ay sa Sabado. Tanging ang unang 10,000 na aplikante lang ang tatanggapin para sa parehong araw. Ang mga nais sumali ay dapat na magdala ng birth certificate o valid ID.
Sa dalawang araw na ito, magkakaroon din ng auditions sa Green Gate Entrance ng coliseum ang iba pang ABS-CBN shows gaya ng It’s Showtime para sa mga gustong sumali sa Mini Me (bukas sa mga siyam na anyos o pababa, solo o grupo) at That’s My Tomboy (bukas sa mga 18 anyos at pataas), pati na ang ikalawang season ng The Voice Kids (bukas para sa mga batang pito hanggang 13 anyos).
Maaari rin ditong magbahagi ng mga kwento ng buhay sa Maalaala Mo Kaya” story gathering, at magpakitang gilas ng talento para maging bahagi ng Star Magic.
Bukod sa Maynila, magkakaroon din ng iba pang edisyon ang Grand Kapamilya Audition Caravan sa Pacific Mall Mandaue sa Cebu (Marso 13 at 14), Pacific Mall Lucena sa Lucena City (Marso 20 at 21), Robinsons Place Santiago sa Isabela (Marso 28 at 29), KCC Mall sa General Santos City (Abril 17 at 18), at Abreeza Mall sa Davao (Abril 24 at 25).
Mga beking traffic enforcer, maganda ang kita
Sa Rosario, Cavite, may kakaibang programa ang ibang opisyal. Dito, ang traffic enforcers ay may dalang abaniko, naka-lipstick, at pink na rubber shoes. Sila ang mga beki na tagapagpatupad ng batas trapiko.
Enero 2015 nang sinimulan ang proyekto. Ang lokal na pamahalaan ang nagsanay sa traffic enforcers. Anim na oras ang duty nila araw-araw. Bukod sa natatanggap na suweldo ay may food allowance din sila. Tama naman kaya ang ganitong proyekto?
Kilalanin din si Alvin Ho na nagtapos ng kursong Business Administration. Dalawang taon na siyang rumaraket sa comedy bar bilang drag queen. Hindi ito ang pangarap niyang trabaho, pero sagabal daw ang pagiging bakla niya sa pagkuha ng trabaho sa linyang tinapos niya.
Maraming beses na raw siyang tinanggihan sa trabaho dahil sa kanyang sekswalidad. May mga pagkakataon rin na nababastos siya dahil sa kanyang kasarian.
Pakinggan ang kwento ng ilan sa mga naging biktima ng diskriminasyon sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, Marso 5, 8:00 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.