Jericho masyadong naging protective kay Maja

MANILA, Philippines – Aminado si Jericho Rosales na nagkaroon siya ng pagkakataong tinamad sa trabahong ginagawa. Kaya naman ayaw na niyang maulit ang pangyayaring ‘yon sa buhay niya kaya bawat role na dumating sa kanya ay pinagbubuti na niya at siya na ang gumagawa ng hakbang upang hindi ito matulad sa dati niyang performances.

Magkasama muli sina Jericho at Maja Salvador sa Bridges of Love ng Kapamilya Network. Ayon sa aktor sa press launch ng teleserye, kung sa The Legal Wife ay hinahabul-habol siya ni Maja, this time, siya naman daw ang hahabol kay Maja sa BOL.

“Pero this time, nagamit ni Maja ang skills niya sa pagsasayaw. Edgy talaga ‘yung role at ginawa niya. It’s a role that requires depth! Whole new thing!” rason ni Echo.

Para naman kay Paulo na isa sa ‘titikim’ sa kaseksihan ni Maja, “Sa mga eksena namin sa bar, nalaman ko na ang lawak pala ng range ng acting na kayang gawin ni Maja. Hindi lang siya limitado sa isang kalsada. Ang daming kalsada na magbibigay ng flavor sa acting niya!”

Lumabas nga ang pagiging protector ni Echo kay Maja sa taping nila lalo na kapag kinukuhanan na kembot at giling scene ng aktres sa club.  Star dancer kasi siya ng isang club kaya siyempre, ‘yung suot niya ay talaga namang pang-akit sa mga lalaki.

Nariyang bawal ang cell phone na may camera para hindi makuhanan ang sexy dance ni Maja at walang outsider na puwedeng pumasok kundi ‘yung mga talents sa eksena at mga cameramen, huh!

Eh, ayon naman kay Direk Richard Somes, kapag kinukunan na niya ang eksena sa pagsasayaw ni Maja, “Maja rocks it!”

Edu gustong magtagal sa Kapamilya

Nagbabalik naman sa BOL ang host-actor na si Edu Manzano. After 2006, tumuntong muli si Doods sa Kapamilya Network na naging bahagi na ng buhay niya nang bumalik ang network after ng People Power nu’ng 1986.

“Actually, second choice rin ako rito eh. Ang unang choice sa role ko ay si Piolo (Pascual). Kaya lang, hindi nagustuhan ang acting niya kaya ako ang kinuha,” biro ni Edu.

“Nu’ng time na nandito ako sa Kapamilya Network, ang daming break na binigay sa akin. Nakagawa rin ako ng programa na talagang enjoy na enjoy ako. I made a lot of friends.

“Kahit nawala ako, I never, physically, left Kapamilya. Nanatili pa rin akong kaibigan. The station has taken very good care of my son. I’m very, very happy. I don’t have to elaborate how well the relationship between the network and my son.

“You know, I hope to be part of the network family for the long, long time!” pahayag ni Edu.

Jolo marami nang mahirap na karanasan sa buhay

Tinutukan ng media ang pagdalaw ni Senator Bong Revilla, Jr. sa anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital kahapon ng hapon. Pinayagan ng Sandiganbayan ang senador na makabisita sa anak ng alas-tres ng hapon hanggang alas- otso ng gabi.

Humingi ng sorry si Jolo sa ama dahil sa nangyari. Tugon naman ni Sen. Bong, “It’s okey, anak. We have to be strong!”

Sa totoo lang, sa murang gulang ni Jolo ay marami na rin siyang naranasan sa buhay. Naging batang ama siya at nahiwalay sa ina ng bata. Pero pinakamasaklap pa rin ‘yung problema ng ama na naka-detain sa Camp Crame.

Dahil sa words of encouragement ng ama, kailangang magpakatatag ni Jolo lalo na’t nasa mundo na rin siya ng pulitika na alam nating mas matindi ang saksakan nang talikuran at harapang balimbingan, huh!

Show comments