^

Pang Movies

Aruy wala nang pag-asang maging professional basketball player application ni Xian Lim sa PBA ibinasura!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Basag na ang ambisyon ni Xian Lim na maging professional basketball player din. Hindi dahil sa naging problema niya sa Albay, kung di tinanggihan ni PBA Commissioner Chito Salud ang application ng team na kumukuha rin sa kanya bilang isang player. Sinabi rin ni Commissioner Salud na hindi puwede iyong basta na lang nila ilagay si Xian sa kanilang team dahil endorser siya ng kumpanya dahil may regulas­yon ang PBA na iyong mga baguhan ay dapat dumaan sa rookie draft. Walang shortcut sa PBA.

Mabuti na rin naman eh. Iyang pagi­ging player, full time job iyan. Kailangan talaga ang training diyan. Iyong artista pagod din, puyatan ang taping ng mga iyan na hindi puwede sa isang player. Sa natatandaan namin si Richard Gomez lang ang nakagagawang nasa national team, at artista pa rin. Pero basta dumating ang panahon ng training, walang shooting o taping si Goma. Magagawa ba iyon ni Xian Lim eh nagpapataas pa lang siya ng career niya?

Kung hindi niya gagawin iyon, baka mapagtawanan lang siya sa court at makasira pa sa kanyang personalidad. Basta ba naglaro siya ng basketball, lalo na at big league iyan ha, tapos nagkalat siya, tiyak na mababawasan ang paghanga ng fans sa kanya.

Palagay naman namin, kahit na nasasabit siya sa kung anu-ano problema dahil medyo tactless din naman si Xian, mas mabuting mag-artista na lang muna siya. Huwag na muna siyang mag-ambisyong makapasok sa PBA. Kung gusto niya, sumali muna siya sa mga small league.

Daniel wala nang kailangang patunayan

May nakita na naman kaming comment na kinukuwestiyon ang musika ni Daniel Padilla. Sabi sa comment, “nagpipilit namang kumanta iyang si Daniel Padilla.”

To best honest about it, wala kaming kopya ng CD o alin mang kanta ni Daniel Padilla. Ang koleksiyon namin ay mga lumang kanta nina Frank Sinatra. Tony Bennet, Matt Monroe, at matatawa kayo siguro may koleksiyon kami ng mga remastered recordings ni Mario Lanza. Sa locals, may koleksiyon kami ng CDs nina Sharon Cuneta, Rey Valera, Hajji Alejandro, at may kinokolekta kaming mga classics ngayon ni Ruben Tagalog. More or less, alam na siguro ninyo kung anong klaseng musika ang gusto namin.

Pero hindi namin maaaring pintasan ang mga kanta ni Daniel Padilla. Hindi namin masasabing mas tama kami kaysa sa napakaraming bumibili ng kanyang CD, o pumupuno ng mga malalaking venue kung mayroon siyang concert. Hindi kami iyong heckler na magsasabing tanga sila.

Kasabihan na nga, “you can’t argue with success.” Kahit na ano pa ang sabihin mo, maaari nilang sabihin sa iyong “inggit ka lang”, kasi nakukuha nila ang suporta ng masa, at sino ang makikinig sabihin mo mang palpak ang kanta niya? Ni hindi kailangang kumanta ni Daniel eh. Makita lang siya ok na sa fans. Kung umarte man siya o kumanta, bonus na sa kanila iyon. Kung may taong makagagawa nang ganyan, ano naman ang karapatan ng iba na siraan sila dahil lamang sa nagtatagumpay sila?

Papaano mo pipintasan ngayon ang ac­ting ni Daniel eh milyon ang kinikita ng kanilang pelikula, at maliwanag iyong nakita namin sa isang mall, tatlong sinehan ang nilalabasan ng pelikula nila, iyong mga pelikulang ingles tig-isa lang. Maliwanag na nagugustuhan ng marami ang acting niya. Papaano namin masasabing mas tama iyong namimintas na wala pa namang kumikitang pelikula?

Papaano mo masasabing isang artist iyong wala namang nakaka-appreciate ng kanyang obra? Hindi ba para matawag kang artist dapat appreciated naman ang obra mo?

DANIEL PADILLA

IYONG

KUNG

LANG

NAMIN

PAPAANO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with