Court hearing ng kontrobersiyal na kaso, dapat ilihim na lang para ‘di pagpiyestahan
Sa Lunes na raw ang court hearing ng isang kontrobersyal na kaso.
Inilihim na lang sana ang pagdinig sa kaso para hindi na pumunta sa korte ang mga miyembro ng media at bilang proteksyon sa mga sangkot sa isyu na masyadong maselan.
Or huwag nang i-cover ng media ang hearing para mapangalagaan ang privacy ng mga involved.
Jam Sebastian hirap na hirap na
May report ngayon hapon ang Startalk tungkol sa pakikipaglaban ni Jam Sebastian sa kanyang karamdaman na lung cancer.
Ang Startalk ang kauna-unahang showbiz talk show na nagbigay ng atensyon sa malungkot na kalagayan ni Jam.
Nabubuhay ngayon si Jam sa pamamagitan ng life support system pero kahapon, nagising siya at humingi ng ballpen para isulat ang “I love you” sa papel na nangangahulugan na alam na alam niya ang nangyayari sa paligid, kahit hirap na hirap na siya.
Dumalaw si Kris Aquino kay Jam noong Huwebes ng gabi para pagbigyan ang kahilingan ng may-sakit na makita siya nang personal.
Nanggaling si Kris sa state dinner para kay President Francois Hollande ng France kaya hindi na siya nagpalit ng damit nang dalawin niya si Jam.
Bumuhos ang mga dasal para kay Jam at sa pamilya niya dahil sa dasal ng kanyang ina na si Maricar Sebastian na bigyan ito ng Diyos ng lakas para tanggapin ang katotohanan.
Malungkot na malungkot si Maricar dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin na dying ang kanyang anak.
Naka-relate si Kris sa nararamdaman ni Maricar dahil nanay rin siya.
Sen. Loren nagpasalamat kay Frensch President Hollande
May pakisuyo ang staff ni Senator Loren Legarda tungkol sa pagkikita nila ng French actress na si Marion Cotillard sa launch ng Manila Call to Action on Climate Change na naganap noong Huwebes sa Malacañang Palace.
Magkasama na binasa nina Mama Loren at Marion ang joint statement ng Pilipinas at France na parehong umaapela sa international community na makiisa at tumulong sa climate action at para maging matagumpay ang global climate agreement sa 21st Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP 21). Ang France ang host country ng conference na idaraos sa December 2015.
Kinikilala si Mama Loren bilang United Nations Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific at ayon sa kanya,very crucial platform for climate action ang COP21.
Nagpasalamat si Mama Loren kay French President Francoise Hollande dahil sa matinding interes nito na maging successful ang conference na inaasahan na magbibigay ng mahalagang resulta.
- Latest