Baka raw pampabango lang ng pangalan: Pakikipagbati ni Julia kay Dennis, pinagdududahan!

Late Wednesday evening na namin nakita ang post ni Julia Barretto sa kanyang Instagram (IG) account ng picture nila ng amang si Dennis Padilla with a caption na “Papa being his comedian self.” Isang text message na nagtatanong kung nagkasundo na ang mag-amang Julia at Dennis ang natanggap namin kaya in-open namin ang IG ni Julia. At nagsasagutan na pala ang mga fans at bashers ni Julia. 

May mga natuwa na nagsasabing sana raw ay magka-project na magkasama ang mag-ama at iyon daw ang best photo na nai-post ni Julia sa kanyang IG. May nag-post naman na kailangan ni Julia na gumawa ng name niya sa issue dahil mas may career na sa kanya sina Liza (Soberano), Kathryn (Bernardo) at Janella (Salvador) sa paggamit niya sa kanyang ama. Timing daw na magdi-debut si Julia sa March 10 kaya raw kunwari ay okey na sila ng kanyang ama.

May nagsabi namang matuwa na lamang tayo na nagkabati na ang mag-ama. May advice din kay Julia na her papa is already 53 years old, times flies so fast kaya i-enjoy niya ang oras kasama ang ama; “parents we have are pure treasures, no money or situation can replace them. Always remember without them we are all not here.”

Pero ayon naman sa isang post, mahalin daw niya ang papa niya, at sana for real na at maging maganda na ang kanilang bonding. 

As of presstime, wala pa kaming update kung paano nagkabati sina Dennis at Julia. At kung may approval ba ito ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto na alam ng lahat na hate na hate si Dennis kaya gusto niyang papalitan na ng Barretto ang surname ni Julia sa birth certificate na nakalagay ay Baldivia, ang tunay na surname ni Dennis.

Pagpapari ni Dingdong siniseryoso ng fans

Nakakatuwa naman ang post ng isang fan ni Dingdong Dantes sa IG nito na nag-iimbita sa pagsisimula ng bago niyang inspi­rational soap sa GMA-7 na Pari ‘Koy na magsisimula sa March 9, after ng 24 Oras. Gaganap kasing isang pari for the first time ang Kapuso Primetime King kaya sabi sa post, “looking forward to hearing your homilies father Kokoy. Question: what can you not eat during Fridays of Lent? Are eggs, milk and cheese allowed since these are animal products?” Ha­yaan mo, itatanong namin iyan kay Dingdong sa presscon nila sa Monday ng Pari ‘Koy na dinidirek ni Maryo J. delos Reyes.

Ryan at Juday may kampanya para sa mga magulang

Napapanood na sa mga sinehan ang ginawang new infomercial ng Movie and Tele­vision Review and Classification Board (MTRCB) na tampok ang mag-asawang Ryan at Judy Ann Agoncillo. Ini-launch ito during the 30th year ng MTRCB at ang aim nito ay i-challenge ang parents and ­res­ponsible adults to be aware sa mga pinapanood ng kanilang mga anak at sumunod sa mga classification ratings. Naniniwala ang MTRCB na mga magulang pa rin ang dapat mag-guide sa kanilang mga anak.

Ang launching ay nagtapos sa signing of the Memorandum of Understanding (MOU) with the TV networks and theater operators para masiguro na ipalalabas nila ang na­sa­bing infomercial para malaman ito ng general public at magabayan ang mga anak nila kung anong klase ng palabas ang dapat nilang panoorin.

Show comments