^

Pang Movies

Kris mas gustong maging yaya kina Bimby at P-Noy kaysa pumasok sa pulitika sa 2016

- Vinia Vivar - Pang-masa

Last Sunday, sa The Buzz ay kinumpirma na ni Kris Aquino na hindi siya tatakbo sa 2016 elections. At ang nakakatuwa, si Superstar Nora Aunor pa na guest that day ang nagtanong nito sa kanya.

Say ni ate Guy, marami raw nga kasing bali-balita na tatakbo si Kris na inayunan naman ng mga hosts na sina Boy Abunda and Toni Gonzaga.

Once and for all, para matigil na ang sitsit, say ng Queen of All Media ay hindi raw talaga at ang priority daw niya ay ang mga anak niya more than anything else in this world.

Nakatakda na raw pakasal ang yaya ni Bimby sa September at iiwan na sila.

“The yaya was there from the start, siyempre wala kami ni James (Yap)...so I really promised him na for the entire adjustment period, I’m gonna be there,” sabi ni Kris.

“Ang pulitika requires someone who has no other responsibility but the responsibility to serve the constituents. Boy, I want to be the best mom I can be, and I cannot be the best mom I can be if hahatiin ko,” dagdag pa ng TV host/actress.

Ang talagang gusto raw niya ay mag-expand ng kanyang Chowking Fast Food na ngayon ay may 3 branches na. Ang dream daw niya ay 8 branches.

Dagdag pa ni Kris, feeling daw niya ay ang pagiging businesswoman ang calling niya at hindi politician.

Another thing, kapag natapos na raw ang term ng kapatid niyang si Pres. Noynoy Aquino after the 2016 elections, gusto rin daw niyang tulungan ito at alagaan dahil 56 na ito by that time.

Vice Ganda hindi nakapagpigil sa Kathniel fans na reklamador!

Hindi naitago ni Vice Ganda ang pagka-imbudo (imbyerana) sa fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagreklamong maigsi raw ang guesting appearance ng dalawa sa Gandang Gabi Vice aired last Sunday.

Sa kanyang Twitter account ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang saloobin.

Unang tweet ni Vice, “Reading tweets of Kathniel fans. Kalurks! ‘Di na nga nagpasalamat nagalit pa dahil bakit daw ang igsi ng guesting. #HirapNyoIPlease #EDiWow”.

May mga nag-comment na nagpapasalamat daw sila pero hinahanap lang daw nila ‘yung uncut version na ewan kung ano naman ang meron du’n sa uncut na ‘yun.

Another tweet ni Vice, “I and GGV can only do so much!#YunNaLang #WagKayongMagtanongBakaSumagotAko#SmileNaLang.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa kanyang fans na kapag siya naman ang guest at maigsi ang guesting ay huwag daw sanang magalit.

“To my LittlePonies: ‘Pag minsan maigsi ang guesting ko wag kayo magagalit sa show ha. Baka wala talagang oras. O baka wala akong kwento nun,” tweet pa ng Unkabogable Box Office Star.

Isa pa niyang post, “My whole GGV family works VERY HARD to give you a good show and make u all happy every Sunday night. Thanks to all who appreciate.”

Nag-sorry naman ang ilang Kathniel fans kay Vice at nagpasamat din for guesting their idols on the show.

BOY ABUNDA AND TONI GONZAGA

CHOWKING FAST FOOD

DANIEL PADILLA

DAW

GANDANG GABI VICE

KATHNIEL

KATHRYN BERNARDO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with