Binuking ni James Younghusband na kapag in-love ang kanyang kapatid na si Phil Younghusband ay nawawala ang focus nito sa trabaho.
Masyado raw mabilis ma-in love si Phil at sobrang atensyon ang binibigay nito sa babaeng kinababaliwan.
Kaya nga raw kapag nauwi sa breakup ang relasyon, sobra rin itong nasasaktan.
“Maybe that’s the difference between me and Phil. We might have very similar traits but when it comes to our personal lives, especially when it’s about relationship, Phil is most likely to get more involved.
“That’s why I know when he’s happy or when’s he’s hurting from a relationship. He loses focus on his work.
“But what’s good about it is that when he has finally gotten over it, he then focuses more on his work and on his sport.
“Phil is very hardworking but he’s a also such a sucker for romance,” tawa pa ni James.
Ngayon nga raw ay sobrang nakatutok si Phil sa trabaho dahil na rin sa bago nilang show sa TV5 na YHTube.
Wala raw itong idine-date ngayon. Huli raw na naka-date ni Phil ang aktres na si Bangs Garcia. Tatlong buwan lang daw ang itinagal ng kanilang pagde-date.
Marlisa Punzalan ng X-Factor Australia idol ang Aegis
Nasa bansa ang teen Pinay-Australian winner ng 2014 The X-Factor Australia na si Marlisa Punzalan.
Nasa promotional leg siya ng kanyang debut album na ni-release sa Pilipinas ng Ivory Music & Video.
Ito pa lang ang ikawalang beses na nakarating sa Pilipinas ang Australian-born Pinay teen. Una’t huling bakasyon niya sa Pilipinas noong 2009, at sa kanilang kamag-anak sa Samal, Bataan siya tumira.
Thankful nga ang 15-year-old Fil-Aussie sa Irish singer and songwriter na si Ronan Keating dahil sa ginawang pag-mentor sa kanya sa The X-Factor Australia.
Nakilala si Keating noong early ‘90s dahil sa Irish boyband na Boyzone at pinasikat niya ang hit song na When You Say Nothing At All na naging theme song ng pelikulang Notting Hill starring Julia Roberts and Hugh Grant.
Hindi nga lang ang former Boyzone lead singer na naging mentor ni Marlisa kundi pati na ang Grammy Award winner na si John Legend na naging guest mentor sa isang episode ng The X-Factor Australia.
Nilalaman ng kanyang self-titled album ay ang mga songs na inawit niya sa show na pinili ng kanyang mentor na si Keating. Kabilang nga rito ay ang classic songs na Somewhere Over The Rainbow, Yesterday, All By Myself, Hopelessly Devoted to You, and Nothing Else Matters.
Pinakamahirap daw na pinaawit sa kanya ni Keating ay ang Nothing Else Matters ng Metallica. Ito ang nagbigay ng standing ovation kay Marlisa sa contest.
Naging inspirasyon raw ni Marlisa sa pag-awit ng rock ballad na iyon ang local pop-rock band na Aegis. Paborito ni Marlisa ang bandang Aegis dahil sa husay ng kanilang vocal range.