MANILA, Philippines - Nakakapagtaka ‘yung wala ang pangalan ni Derek Ramsay sa TV plug ng Valentine concert ni Jennylyn Mercado na ginawa sa SM North Skydome last February 13. Hindi man kasi masyadong nagkaroon ng publicity ang concert, puno naman daw ito ng tao at isa nga sa guests si Derek.
May lambingan nga kaming nakita sa social media nina Jen at Derek dahil na rin sa hangover ng tambalan nila sa English Only, Please. ‘Yung title ng concert ni Jennylyn ay galing sa movie, huh! Bukod kay Derek, ilan pa sa naging guests ay sina Dennis Trillo, Mark Herras, at Cai Cortez.
‘Yun nga lang, sa TV plug ng concert na ipalalabas this weekend sa SNBO ng GMA, wala kaming narinig o nakitang image ni Derek. Is there a problem? Porke nga taga-TV5 si Derek, eh bawal na siyang ipakita sa GMA?
O may kinalaman ang management ng TV5 sa desisyong huwag isama si Derek sa telecast ng concert? As we all know, hindi nagkasundo ang GMA at TV5 boss na si Manny V. Pangilinan sa pagbili ng Kapuso Network, huh!
Oh, no! Matapos ang sigalot sa ABS-CBN at Star Cinema, mukhang sa Kapuso Network naman hindi puwedeng lumabas ang aktor, huh!
Gov. Vi first time magpapaalaga kay Angel
Kinumpirma sa amin ni Governor Vilma Santos-Recto na si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng movie nila ni Angel Locsin. First time ng premyadong direktora kay Ate Vi kaya naman looking forward din ang Star for All Seasons sa estilo ng direksyon ni Direk Joyce.
Ayon kay Gov. Vi., baka sa end of March na simulan ang shooting nila ni Angel. Next week ay nakatakda siyang makipag-meeting kay Bb. Joyce para ayusin ang detalye ng proyekto. Isang caregiver ni Ate Vi ang role ni Angel pero kung meron mang madadramang eksena, gagawin lang nilang light ‘yon pero markado ang dating.
After ng indie movie niyang Ekstra, ngayon lang uli humingi ng permiso si Gov. Vi sa kanyang constituents sa Batangas upang makagawa muli ng pelikula. Eh, napatunayan naman niyang worth it ang paggawa niya ng Ekstra kahit indie movie ito.
Isa kasi ang Ekstra sa mga finalists sa New York International TV and Film Awards at nakatanggap din siya ng balita na nominated siya sa Ireland International Film Festival bilang best actress at isa pang filmfest abroad sa bandang Europe rin.
Aktor at aktres na magka-loveteam hindi bunyagan ang kasamaan ng ugali
Deserving daw maging loveteam ang dalawang kilalang celebrities. Kasi naman, kung patagong maldita ang babae, bulgar naman ang pagiging maldito ng lalaki, huh!
‘Yung babae kasi, pa-sweet ang image. Siyempre, kailangang alagaan ang kasikatan kaya hindi puwedeng magtaray nang marami ang nakakita, huh! Pero once wala sa harap ng kamera, ubod din daw ito ng taray at sungit at maging ang ina ay tinatalakan, huh!
Eh, itong lalaki, mula nang madikit ang pangalan sa babae at sumikat, umaalingasaw ang kamaldituhan, huh! May mga moments talaga siyang taklesa pa at walang pakialam kung may mga masasaktan na tao, huh!
Kaya naman nang mag-flop ang huli nilang pinagsamahan, rason ng isang showbiz kibitzer, “Karma sa kanila ‘yan dahil kapwa sila maldita, ‘no?”