Kinarma: Nambastos kay Pacman, nautasan ng P250,000

Poorer by P250,000 ang Purefoods import na si Daniel Orton dahil sa pang-iinsulto niya kay Congressman Manny Pacquiao.

Tinalo kasi ng basketball team ni Papa Manny ang Purefoods sa  kanilang PBA game  noong Miyerkules at hindi ito matanggap ni Orton na ­nag-dialogue ng “This game is seriously a joke. The way the game was going, the refs took the game that I know and love and they made it into a mockery.
“That’s the joke. That’s part of the joke I was talking about. Professional boxer, yeah, okay. Congressman, alright. Professional basketball player, no. It’s a joke. Seriously, it’s a joke.”

O ayan, mabilis ang karma ni Orton dahil kinastigo siya ni PBA Commissioner Chito Salud sa kanyang disrespect sa PBA at kay Papa Manny.

Malaking halaga ang P250,000. I’m sure, im­byernang-imbyerna si Orton pero wala na itong magagawa dahil siya rin  ang may kasalanan.

Pasalamat nga siya dahil hindi rumesbak si Papa Manny ‘no! Hindi katanggap-tanggap na ininsulto ng isang Amerikano ang isang Pilipino sa sariling bansa natin.

Aral sa lahat ng mga import player ang nangyari kay Orton. Dapat na mag-ingat sila sa pagbibitaw ng mga salita or else, bubuwelta sa kanila ang mga joke nila.

Hayden mabilis nagpadala ng bulaklak kay Dra. Belo kahit nasa Amerika

Naka-confine si Dra. Vicki Belo sa ospital dahil mataas ang lagnat niya at nakakaramdam siya ng pagkahilo.

Bukod sa workaholic, usung-uso ngayon ang sakit at hindi exempted si Mama Vicki na nakatanggap ng kanyang favorite flowers mula kay Hayden Kho, Jr.

Nasa Amerika si Hayden pero nagpadala siya agad ng bulaklak nang malaman niya na may sakit si Mama Vicki.

Masama na ang pakiramdam ni Mama Vicki noong Miyerkules at dahil professional, dumalo pa rin siya sa presscon ng Belo Medical Cli­nic para kay Marian Rivera.

Get well soon Mama Vicki!

Alonzo favorite si Bimby

Hindi mayabang si Alonzo Muhlach dahil nang tanungin siya kung sino sa kanila ni Bimby Yap ang magaling umarte, ang name ng anak ni Kris Aquino ang  isinagot niya.

Five years-old pa lang si Alonzo pero bibung-bibo at hindi siya nahihiya sa harap ng ibang mga tao na hindi niya kilala.

Mas bibo si Alonzo kesa kay Bimby noong 4-years old pa lamang ito.

Nasa dugo ni Alonzo ang pagiging artista kaya hindi nakapagtataka na sinusundan niya ang yapak ng kanyang tatay na si Niño Muhlach.

Albayanon walang planong patawarin si Xian

Durog na durog si Xian Lim sa mga komento ng mga Albayanon na na-offend sa kanyang sinabi na “ I’m not here to promote Albay.”

Mabilis na kumalat ang inasal ni Xian sa Fiesta Tsinoy ng Albay dahil sa Facebook post ni Albay Governor Joey Salceda.

Maraming showbiz friends si Papa Joey kaya pagkatapos nito na i-post ang insidente, nalaman agad sa buong showbiz ang bad experience ng kanyang mga tauhan kay Xian.

Nag-apologize na si Xian kay Papa Joey na sumagot ng  “No forgiveness deserved.”

Ayaw paawat ni Papa Joey sa pag-e-emote dahil nairita siya sa explanation ni Xian. Hanggang kahapon, may mga patutsada siya sa aktor na ayaw i-promote ang kanyang probinsya. Ang sey ni Papa Joey, “Nagbayad ang Albay ng P350,000. Pina-welcome ka namin sa buong barangay. Binibigyan ka pa namin ng mga souvenir. “ Tinanggihan mo at hiniya ang ordinaryong PTCAO staff. Sinabihan mo pang: I AM NOT HERE TO PROMOTE ALBAY. Tapos, pinagmumukha mo pa kami, ang staff ko, at ngayon pati ako, sinungaling. Ow common.”

Show comments