Iñigo, aminadong Mama’s boy

Tinanong si Iñigo Pascual kung gaano siya ka-close sa kanyang mommy.

“My mom is my best friend. She’s always there for me. Ang aking mommy ang original na ka-Valentine ko. Mama’s boy naman ako,” aniya.

Kahit sa kanyang amang si Piolo Pascual ay malapit din siya.

Nakakatuwa naman dahil maganda ang pagpapalaking ginawa ni Piolo at ng kanyang inang si Donna kay Iñigo.

Sa kabilang banda, kasama si Iñigo sa Crazy Beautiful You. Nang tanungin kung paano ba makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay sinabi nitong noong una ay kabado siya pero kalaunan ay naging maganda ang bonding nila kaya laging masaya sa set.

Julian may tsansa raw sumikat sa Korea!

Tinanong namin ang Korean prodyuser kung may posibilidad bang gumawa ng ingay sa Korea si Julian Trono. Sagot ng mga Korean executives ay may tsansa siyang sumikat doon dahil puno ito ng talent.

Isa si Julian sa ipinagmamalaking talent ng GMA Artist Cen­ter. Bago bumalik ng Pilipinas, nakatapos ng performance si Julian sa Show Champion na ipinalabas noong Miyekules, February 18.

Ang Show Champion ay isang Korean Musical Variety Show na iniere sa MBC, isang major TV Network sa Korea. Nag-perform si Julian sa kanyang first single na Wiki Me sa show at ilulunsad ito officially sa Pilipinas sa February 22 sa GMA Network’s Musical Variety Show na Sunday All Stars.

Matapos mag-perform sa Show Champion, na-excite nang umuwi ng bansa si Julian at natuwang nakapag-perform ng buong husay sa ibang bansa. Ang Wiki Me ay iri-release sa GMA Records worldwide.

Show comments