MANILA, Philippines - Full coverage rin ang GMA Network sa kasal nina Sen. Francis Escudero at Heart Evangelista sa Balesin Island kahapon. Si Direk Rico Gutierrez ang naatasang mag-cover ng event dahil ilalabas din ito sa network.
The night before the wedding, Feb. 14, nagkaroon ng birthday celebration si Heart na sinabay sa kanyang Despedida de Soltera.
As of this writing, wala kaming nasagap na chika kung present ang parents ni Heart sa wedding. Basta nagbigay lang ng mensahe ang aktres sa parents na darating din ang araw na makikita nilang maligaya ang anak. Masaklap din sa katauhan ni Heart na hindi daluhan ng magulang sa pinakaimportanteng okasyon sa kanyang buhay.
Incidentally, habang nasa Balesin Island sina Sen. Chiz at Heart, nasa El Nido, Palawan naman sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sini-celebrate ang Araw ng mga Puso, huh!
Nakakasira ng pananghalianASAP dapat tanggalin ang mga trying hard na hosts!
Magaganda man ang production numbers sa ASAP20, ang kailangang baguhin doon ay ang mga isinasalang na hosts na binabasa na lang nga ang spiels ay nagkakamali pa, huh! Turn off sa TV ang ganitong trying hard na hosts! Nakasira ng mood sa tanghali, no?
May isa pang komedyana na pinipilit magpakuwela sa hosting niya, eh hindi naman marunong, huh! Buti sana kung maganda ang dating niya sa screen, huh! Diyos mio, nakakasira sa pananghalian!
Please lang, i-pack na ‘yang hosts sa ASAP na wala namang binatbat at chaka ang dating sa TV, huh! Mas mabuti na ‘yung konti lang ang performers at hosts na de kalidad kesa ‘yung tambak nga pero palpak naman, no?
Jasmine mananakot na naman
Nakatapos ng pelikula si Jasmine Curtis-Smith sa Regal na may titulong Mara. Kasama niya sa cast sina Isabelle Daza at Paulo Avelino.
Isa itong horror movie pero may ibang konsepto tungkol sa isang OFW na namatay sa ibang bansa pero nang ibalik sa bansa ang bangkay ay wala ito sa loob ng kabaong, huh!
Bukod sa Mara, ongoing na ang shooting ng Still the One nina Dennis Trillo at Maja Salvador mula sa direksyon ni Chris Martinez.
Oo nga pala, isa si Dennis sa special guests ni Jennylyn Mercado sa nakaraang concert ng aktres sa SM Skydome. Balik na muli ang magandang pagtitinginan ng ex-lovers na ayon sa tsismis ay malamang na si Dennis ang balikan ni Jen among her ex-boyfriends, huh!
After all, unattached pa rin ngayon si Dennis unlike Luis Manzano na happy sa relasyon kay Angel Locsin, huh!