Robin at Mariel kakaiba ang trip noong Valentine’s Day!

Kakaiba ang pag-celebrate ng Araw ng mga Puso ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel dahil para sa “Whole Humanity” ang concern nila nang dumalaw ang mag-asawa last Saturday sa Maguindanao. Naka-peace sign ang kanilang mga kamay sa post nito sa kanyang Instagram account.

Kaaliw ang support ni Mariel sa show ng asawa na 2 1/2 Daddies sa TV5 dahil kahit nga naman sobrang pagod at biyahe nilang mag-asawa last Saturday sa Mindanao, ay hindi nito nakalimutan na tumutok sa palabas ng mister. In fairness, maraming viewers ang nagsasabing nakakawala raw ng pagod ang mga riot na eksena ng action star kasama sina BB Gangdang­hari at Rommel Padilla.

Saludo naman si Robin sa DPWH sa Mindanao dahil kahit mahaba at paikut-ikot ang biyahe nila sa ARMM Maguindanao, Gen. Santos City, at Sarangani Province ay hindi sila nakaramdam ng pagod sa ganda at tibay ng mga kalsada roon.

Nadurog naman ang puso ni Binoe sa pakikiramay sa isang tatay na namatayan ng 5-year-old daughter sa bakbakan sa Maguindanao. Hinahangaan ni Robin ang tibay ng loob ng namatayang tatay. Hiling niyang mabigyan ng hustisya ang anak nito.

Samantala, ngayong nakaalis na ang bunso ni Robin sa bansa na si Ali, wala nang kahuntahan si Binoe tungkol sa martial arts na pareho nilang hilig. Pati si Kylie at iba pa nitong mga anak ay marunong din dahil na-train sa martial arts tulad ng Wushu, Taekwondo, Muay Thai, Ninjutsu, at Moon Duk Kan.

Kaya ang isa sa ikinasasama ng loob ni Binoe ay wala raw tayong sariling palabas sa TV pagdating sa martial arts. Marami raw Pinoy ang lokong-loko sa panonood sa UFC (Ultimate Fighting Championship) na isang mixed martial arts, pero sabi ni Binoe kung tutuusin ay dapat daw maging proud ang mga Pilipino dahil sa atin ito unang nakilala bago pa sumikat na ginaya lang daw ng ibang bansa sa pangunguna ni Trovador Ramos, kinikilalang master pagdating sa martial arts.

Wish ni Robin na may mag-produce ng martial arts TV show na hindi lang basta segment para lalong mapalawak ang kaalaman sa ganitong sports sa bansa lalo na ng mga kabataan.

 

Show comments