^

Pang Movies

Nagbago ang isip?: Magulang ni Heart sisipot na raw sa kasalan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malaki-laki  ang ginastos nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa kanilang kasal na magaganap ngayon sa Balesin resort.

Inilipad ng mag-dyowa sa Balesin ang kanilang mga invited guest. By plane ang pagpunta sa lugar at sa plane fare pa lang ng mga bisita, malaki na ang ginastos nina Heart at  Papa Chiz.

Hindi pa kasama ang hotel accommodation at pagkain ng mga invited guest. Kahit binigyan sila ng discount ng resort management, big amount pa rin ang babayaran ng newly weds at  bukod pa dito ang bonggang wedding reception sa February 18 sa Blue Leaf, Aseana City.

Kung may mga ex-deal man na nakuha ang  mga ikakasal, hindi sapat ‘yon dahil tiyak na gagastos pa rin sila na siguradong  bale-wala sa kanila dahil mas mahalaga na maligaya sila sa araw ng pag-iisang dibdib nila.

Maugong ang tsismis na dadalo sa kasal ni Heart ang kanyang mga magulang.

Kung totoo man ang  kumakalat na balita, tiyak na magiging emosyonal si Heart na likas na mababa ang luha.

Ang dumalo sa araw ng kanyang kasal ang mga magulang niya ang pinakakamithi ni Heart at kapag nangyari ito, siya na ang happiest bride of the day.

Wish ko lang, huwag masira ang  make up ni Heart kapag nakita niya ang kanyang mga magulang, kung totoo na sisipot sila sa Balesin wedding ng kanilang youngest daughter.

Ogie hindi nakanood ng Ultimate

Si Ogie Alcasid ang nagbantay kay Nate sa ospital nang magkasakit ito noong Bi­yernes.

Hindi available si Regine Velasquez dahil may concert ito pero hirap na hirap siya sa sitwasyon.

Nanay na nanay si Regine na sobra ang pag-aalala sa kanyang anak na may sakit. Hindi naman niya puwedeng layasan ang show kesehodang may valid reason siya dahil a commitment is a commitment.

Hindi natuloy ang plano ni Ogie na manood ng show ng kanyang misis dahil si Nate ang naging priority niya.

Si Ogie ang special guest kagabi sa Beginnings, ang Valentine show ni Zsa Zsa Padilla sa Music Museum kaya hindi na rin niya napanood ang concert ni Regine. Well, there’s always a next time.

Traffic kahapon hindi nagpaka-OA, mas grabe nung araw ng mga kabit

Ang sabi ng mga baklita, mas grabe ang traffic noong Biyer­nes kesa kahapon dahil nauna nang makipag-date ang mga number two.

Inuna na raw ng mga mhin na i-date ang kanilang mga other woman dahil naka-reserba ang February 14 sa mga legal wife nila.

Hindi nga naman magdududa ang mga legal wife dahil kasama nila kahapon ang kanilang mga dyowa na puwedeng magdahilan na overacting ang trapik sa Metro Manila noong Biyernes kaya late na sila nang makauwi sa bahay.

Jennylyn tagumpay sa kanyang concert

Congrats kay Jennylyn Mercado dahil sa successful Valentine show niya noong Biyernes.

Loveless man si Jennylyn, nakasama naman niya noong Bi­yer­nes ang kanyang ex-lovers na sina Dennis Trillo at Mark Herras.

Kinilig ang fans sa duet nina Dennis at  Jennylyn dahil bagay na bagay raw sa kanilang love story ang kanta nila. Hoping  ang fans nina Dennis at Jennylyn na magkakaroon ng Part 2 ang kanilang love affair, kahit nagsalita noon si Dennis nang tapos na wala siyang ex na binabalikan.

ASEANA CITY

BALESIN

BIYERNES

BLUE LEAF

DAHIL

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with