MANILA, Philippines - Wala nang bitawan ang TV viewers sa mas gumagandang takbo ng kwento ng romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore. Sa katunayan, naging pinakapinanood na TV program sa buong bansa noong Lunes (Pebrero 9) ang teleseryeng pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Base sa datos mula sa Kantar Media, humataw ng national TV rating na 28.7% ang Forevermore Something New episode na naging trending topic rin sa Twitter dahil sa mga nakagugulat na pagbabago sa buhay ni Agnes (Liza) dalawang taon matapos ang nakalulungkot na paghihiwalay nila ni Xander (Enrique). Lamang ng 15 puntos ang Forevermore kumpara sa katapat nitong teleserye.
Ngayong umuusad na ang buhay ni Agnes bilang estudyante sa Maynila, makikilala niya ang kaeskwelang si Jay (Diego Loyzaga) na mistulang magbibigay ng pagbabago sa kanyang bagong buhay. Makatutulong ba si Jay sa pag-move on ni Agnes mula sa malungkot na nakaraan nila ng kanyang first love na si Xander? Anong gagawin ni Agnes sa sandaling magkrus muli ang landas nila ni Xander? Handa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pag-iibigan?
Huwag palampasin gabi-gabi, pagkatapos ng Dream Dad sa ABS-CBN Primetime Bida.