Hanggang sa presscon ng MUSIKATin ni Ogie Alcasid ay pinag-uusapan ang pagka-sold out ng Ultimate Valentine concert nina Regine Valasquez, Martin Nievera, Lani Misalucha, and Gary Valenciano sa Feb. 13 and 14 sa Mall of Asia Arena.
Siyempre, proud si Ogie dahil isa sa top-billers ang misis niya at kuwento nga niya, he had to buy online at mabuti na lang daw ay nakakuha pa siya kahit bungi-bungi na ang seats at hindi na magkakatabi.
“It’s great. It’s an all OPM tour de force concert ni Mr. C (Ryan Cayabyab who is the musical director of Ultimate at pati na rin sa MUSIKATIN), galing. Walang gustong sumabay sa concert na ‘yun,” sabi ni Ogie.
Pero may kasabay nga rin ito sa Feb. 13, ang concert ni Jennylyn Mercado na Oo Na! Ako na Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako! sa SM Skydome na sold out din ang tickets. By the way, may Valentine concert din si Zsa Zsa Padilla on Feb. 14 kung saan ay guest si Ogie.
Binibiro nga ng press si Ogie kung naiinggit siya dahil hindi siya nakasama sa Ultimate at say niya, siyempre ay hindi naman daw at happy siya for the the four especially sa kanyang misis. Siya naman daw ay may sarili ring concert, ang MUSIKATin nga na gaganapin sa Feb. 20 sa The Philippine Arena.
Aicelle walang inggit kay Rachelle Ann
Magbuhat nang na-disband ang grupong La Diva na kinabibilangan ng mga Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Jonalyn Viray, nagkanya-kanya na silang landas sa mundo ng pag-awit at nagsipag-solo na lang.
Dahil magagaling din naman silang performers and singers, they manage to pull it off naman as solo artists at may mga sari-sariling proyekto. Bago naman talaga sila naging grupo noong 2008 ay dati na silang solo artists.
Kahapon lang ay nagkaroon ng solo presscon si Aicelle para sa kanyang birthday concert na gaganapin sa Philippine Educational Theater Association (PETA) on Feb. 25.
Pagkatapos nilang maghiwa-hiwalay ay medyo napunta sa teatro ang mundo ni Aicelle. Kaya aniya, malaki raw talaga ang naitulong din sa kanya ng pagkakaroon nila ng grupo.
Last year ay hinirang siyang Best Actress sa Aliw Awards para sa Rak of Aegis musical. Prior to this, she also did Katy The Musical.
Nag-try din nga raw siyang mag-audition sa Miss Saigon pero happy naman daw siya for Rachelle Ann Go na nakuha.
“Sa teatro kasi, ang thinking if you don’t get in, ibig sabihin, you don’t fit the part, it doesn’t mean that you’re not good or ganyan. I’m very happy for Rachel, walang inggit or anything,” say ni Aicelle.
Nine years na sa music industry ang first runner-up ng Pinoy Pop Superstar Season 2 at sa kanyang birthday concert ay ibabahagi niya sa publiko ang naging journey niya sa loob ng 9 na taon na ito.
“Ang concert na ito is really to share a big, big part of me of how my life and career has gone throughout the years,” she said.
Guests niya sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal, and Celeste Legaspi.
She hopes na makapanood din ang dalawang dating ka-grupo niyang sina Jonalyn at Maricris dahil wala naman daw talaga silang gap na tatlo tulad ng parating napapabalita.
Tambalang Liza at Enrique waging-wagi
Napakasuwerte ng tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil talagang kinapitan nang husto ng manonood ang serye nilang Forevermore.
Muli na namang nanguna sa listahan ang serye as the most watched TV program in the country last Monday, Feb. 9 dahil pumalo ang ratings nito sa 28.7% base sa datos ng Kantar Media.
Maganda rin ang feedback sa paglabas ni Diego Lozaga bilang Jay na classmate ni Agnes (Liza) sa school.