The Half Sisters lumaylay na ang istorya!

Ang ganda-ganda na ng kuwentong The Half Sisters na primetime show sa GMA-7 at talaga namang hindi kami lumiban ng panonood nito. Wala kang itulak kabigin sa apat na young stars na sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, Derrick Monasterio at Andre Paras. Wala ring patawad ang kakayahan sa akting nina Jean Garcia, Jomari Yllana, Vina del Moral, at Ryan Eigenmann.

Hayop sa galing silang umarte, walang kokontra! Kaya lang, medyo nawalan kami ng gana nang bumalik si Jomari mula nang akalaing namatay ito sa pagsabog ng yate na sinasakyan nila nina Jean.

Ayun na! Pinahaba pa at lumaylay na tuloy ang istorya. Hindi na kapani-paniwala, no. Kumbaga, patapos na sana at maganda na ang ending, e nilandi pa kaya naging magulo tuloy. Tantanan na sana nila!

 

Mildred Ortega may K pang magbalik-showbiz

The other day, isang meryenda na ginanap sa Barrio Fiesta ang dinaluhan namin ng mga katotong Vero Samio, Linda Rapadas, Arthur, Alice Tarcila, at Mildred Ortega Templo. Mga former friends kami at na-miss niya yaong dating ginagawa namin. Sayang at hindi nakarating si Nap Alip na sa Canada na naninirahan. Hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Mildred. Ang husband niya ay si Col. Mitch Templo at may 2 anak silang sina si Atty. Mike Templo at Prof. John Templo na member ng isang sikat na banda.

Ang LEA Productions ang nag-build-up kay Mildred at puwede pa siyang magbalik-showbiz o pelikula. Kaya pa niyang mag-appear sa TV at mag-record ng album dahil maganda pa rin ang kanyang singing voice. Aprub naman ito sa kanyang asawa sakaling balikan nga ni Mildred ang showbiz.

 

‘Kapatid’ ni Gov. Vi kuntento na sa trabaho

Aba, kaya pala hindi napagkikita sa mga showbiz event ang former Q.C. Vice Mayor Connie Angeles ay dahil siya na ang namamahala sa mga mall na itinatayo ng SM sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Grabe! E, bakit pa nga naman niya hahangarin na magbalik-showbiz kung mas okay ang trabaho niya. Take note, siya pa rin ay young and beautiful at hindi mo makikitaan ng kahit anong gitla sa mukha. Nakilala si Connie bilang kapatid ni Vilma Santos sa pelikulang Trudis Liit noong 1964.

 

Pasasalamat...

Salamat po sa mga nakaalala sa kaarawan ng inyong lingkod! Love you all! Ricky F. Lo, Ethel Ramos, Ronald Constantine, Vero Samio, Lanie, Judy (TV5), at Julie. (Belated happy birthday po tita. - SVA)

Show comments