Ate Vi gustong mag-concentrate sa mainstream
Maliwanag na ngayon, isang drama ang susunod na pelikulang gagawin ni Governor Vilma Santos and it seems matutuloy na iyan this year. Marami siyang mga proyektong nakalatag gawin noong nakaraang taon ang hindi natuloy dahil sa napakarami niyang trabaho sa Batangas. Tapos noong sana ay magsisimula na siya, nagkasakit naman ito.
Anyway, marami sa kanyang fans ang hinayang na hinayang nang hindi niya magawa ang isang pelikulang indie na inialok sa kanya, at ang balita ay napunta iyon sa iba dahil may hinahabol ding mga festivals sa abroad. Kaya gusto ng fans niya na isang indie naman ang gawin niAte Vi ay dahil ang mga pelikulang ganoon ang ipinadadala sa abroad. At dahil magagaling ang mga artista natin, ay nananalo sila ng awards. Pero hindi naman awards ang priority ni Ate Vi.
Ano pa ba naman ang gagawin niya sa mga awards, eh doon nga sa bahay niya may isang kuwartong parang bodega na sa rami ng awards. Marami ka ngang trophy, wala ka namang bahay na paglalagyan noon, ano ang gagawin mo?
Kung kami ang tatanungin, tama si Ate Vi na gumawa muna ng mga mainstream movies para makatulong na makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino. Kung makakagawa ka naman ng mga pelikulang kikita, eh bakit nga ba hindi na lang ‘yun ang pagtuunan ng pansin? Nagrereklamo na rin naman ang mga sinehan dahil wala halos makuhang pelikulang Pilipino. Mapapansin ninyo minsan, walang pelikulang Pilipino na palabas sa mga sinehan. Hindi naman nila mailabas iyong mga indie na karamihan sa mga artista kundi mga baguhang walang name, mga laos naman ang bida, eh sino nga ba ang magbabayad ng dalawandaang piso para mapanood ang mga iyon?
AiAI dinaig pa ang DSWD?!
Tama ba iyong narinig namin na ang isang bahagi ng kikitain ni AiAi delas Alas sa isang concert na kanyang gagawin ay ibibigay niya sa mga hindi namatay, pero mga sugatang pulis na naging biktima rin ng Mamasasano massacre?
Kung totoo iyan, maganda. Kasi sinabi nga nila, marami sa mga sugatan ang grabe rin at malamang hindi na makabalik sa serbisyo. Pero mukhang nakakalimutan sila dahil naka-focus ang lahat sa mga namatay. Kawawa rin iyang mga sugatan, at ganoon din ang kanilang pamilya. Kaya maganda iyang naisip ni AiAi na sila naman ang tulungan. At siya raw mismo ang magbibigay ng kanyang tulong nang diretso sa mga biktima.
After all, kung hindi kikilos ang pribadong sektor, ano nga ba ang mangyayari eh ipinanghihingi pa nga ng DSWD ng tulong iyong mga biktima ng massacre na iyan?
Male star buhay na buhay kahit walang trabaho
Hanggang ngayon naman pala ay suportado pa rin ng kanyang “rich patron” ang isang male star kaya madalang man ang kanyang trabaho ay ok lang. Basta kinakapos siya ng pera, punta agad siya sa isang southern city. Hindi naman kasi delikado dahil hindi naman sa Maguindanao iyon.
Alam naman ng male star, hindi lang siya ang iniisponsoran ng kanyang mayamang kliyente.
- Latest