Parang maaga namang nag-mature ang role ni Julia Montes sa Halik sa Hangin. Maganda naman ang performance niya sa movie, kaya lang parang hindi naibigay ni Gerald Anderson ang papel na dapat ginampanan. Multo kasi siya rito na umiibig kay Julia.
Dapat, ihanap si Julia ng Star Cinema ng aktor na puwedeng madala siya. Parang nawala ang magic sa acting ni Gerald.
Location ng Forevermore nakatulong sa serye nina Enrique at Liza
Malaking factor ang kagandahan ng Baguio City sa teleseryeng Forevermore starring Enrique Gil, Liza Soberano, at Sofia Andres dahil humahataw ito sa rating. Kung tutuusin nga, parang the who ang mga bida maliban kay Enrique Gil, na kilala na subalit ang ganda ng istorya. Ang kagandahan ng Baguio, lalo na ang exposure sa strawberry farm ang nagbigay ng interes sa mga manonood.
Malaking bagay ang location sa mga gumagawa ng teleserye. Sawang-sawa na sila sa istoryang umiikot lang sa iisang kuwarto at iisang lugar.
Victor Neri action star pa rin ang hitsura kahit mataba na
Nakasalubong namin ang dating action star na si Victor Neri sa may Tomas Morato. May Restaurant pala siya rito at siya ang mismong chef. Tapos ng Culinary Arts sa Bangkok, Thailand ang magaling na actor.
Medyo nanaba lang ito pero mukha pa ring action star ang dating.
Juday, Regine at Ogie pinupuri dahil alam ang nagaganap sa bansa
Maraming nagkokomento ng paghanga sa mga artistang sina Judy Ann Santos, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at iba pa patungkol sa pakikiramay sa mga pamilya ng mga sundalong pinatay sa Mamasapano. Forty Four silang lahat bukod sa mga sugatan. Nagpakita ng katalinuhan at pagmamahal sa mga kababayan ang nabanggit na celebrities. Hindi sila kaparis ng ibang artista, walang kibo na parang hindi alam ang nagaganap sa ating bansa. Pulos tawanan, pagbabasa ng iskrip at pagkita lang ng pera ang laman ng kanilang mga utak.
Saludo ang mga tagahanga sa mga makabayang artista dahil hindi sila mga ordinaryong artista, matatalino sila.