Walang preno ang bibig, young actor libog na libog daw sa nali-link sa kanyang young actress
MANILA, Philippines – Naloka kami sa sagot ng isang young actor nang matanong siya tungkol sa isang young actress na nali-link sa kanya na nagkakaproblema sa karelasyon nito. Wala naman daw something sa pagitan nila at nagkakasama lang daw sila sa ilang okasyon. Naitanong kasi sa kanya kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ang young actress. “Nae-elya ako” sagot nito. Talbog!!!! Hahaha.
Elmo gustong dalhin si Janine sa ‘tahimik’ na lugar
Ang mga mata pala ni Janine Gutierrez na anak ni Lotlot de Leon ang nagpatibok sa puso ni Elmo Magalona. Sina Elmo at Janine ay nagkainlaban sa Villa Quintana na una nilang pinagsamahang teleserye at lalong naging close sa isa’t isa sa sumunod nilang proyektong More Than Words.
Ganun din naman si Janine, mata rin ang una niyang nagustuhan kay Elmo, lalo na kapag tinititigan siya ng binata ni Francis Magalona. Pareho silang maasikaso sa isa’t isa at maski sa mga kasamahan sa production, kaya compatible ang dalawa.
Ngayong darating na Valentine ay hindi pa nila alam kung ano ang kanilang planong gawin. Kung libre at walang trabaho ay gusto ni Elmo na magkasama sila sa isang lugar na malayo sa ingay at romantikong lugar.
John Wayne Sace umaming nalulong sa droga
Balik showbiz muli si John Wayne Sace. Ilang taon din nanahimik ang career ng young actor. Ngayon ay nasa TV5 na siya. Aminado ang young actor na marami siyang problemang pinagdaanan bago siya nag-decide muling bumalik sa showbiz.
Nagkaroon pala ito ng asawa at anak pero naghiwalay din. Sa Lola lumaki ang young actor dahil nasa Amerika ang pamilya niya at choice niyang wag sumama sa kanila since nandito raw ang kanyang trabaho. Aminado si John na nalulong siya sa drugs pero hindi naman daw seryoso at hindi umabot sa point na na-rehab siya. Siya na mismo ang tumigil sa masamang bisyo kaya naresolba pa ito. Napabarkada kasi ito at naimpluwensiyahan. Twenty-five years old na pala si John ngayon.
Kris naiyak dahil sa inggit kina Direk Paul at Toni
Isa pang natawa kami ay sa narinig namin mula sa isang beteranang lady reporter cum talent manager sa launch ng PLDT KaAsenso Cyberya Negosyo package na latest product ng PLDT para sa maliliit na negosyanteng gustong madagdagan ang kita nila. Ito ay tungkol sa pag-iyak ni Kris Aquino sa The Buzz noong in-announce nila Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga ang kanilang engagement. Hindi raw kasi naranasan ni Kris na makasal sa simbahan at sa sala lang daw. Talbog!
- Latest