Bongga si Jennylyn Mercado, susubukan niyang makipagsabayan sa mga Valentine’s Day Concert sa February 13. Titled Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako na gaganapin sa SM North EDSA Skydome, 7:00 p.m. Naiiba ang concert na ito ni Jennylyn dahil bubuhayin niyang muli sa first part ng concert ang role niya bilang si Tere Madlansacay, ang award-winning role niya sa blockbuster movie nila ni Derek Ramsay, English Only, Please sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang writer-director na si Antoinette Jadaone ang sumulat ng script at si musical director Louie Ocampo as her one-man band ang kasama niya to interact with her onstage – na sasamahan niya ng humor ang issue of being single which is Jennylyn right now.
Sa second part ng concert, Jennylyn will appear as herself na ipakikita naman ang husay niya sa pagkanta at pagsayaw. Mga special guests niya sa concert ang co-stars niya sa English Only, Please na sina Kean Cipriano, Cai Cortez, Jerald Napoles and of course, si Derek, at sina Gloc 9, Nico Antonio, G Force at former boyfriends na sina Mark Herras at Dennis Trillo. Manood kaya sina Luis Manzano at Angel Locsin? Kung sincere si Luis, sa pagsasabi niya noong presscon ng Puregold Perks Card na gusto na rin niyang maging friends sila ulit ni Jennylyn, ito na ang right time para roon. Si Angel naman ay matagal ding nakasama ni Jennylyn noong pareho pa silang mina-manage ni Becky Aguila. At hindi rin kami magtataka kung manonood sina Raymart Santiago at Rafael Rosell sa concert, dahil silang dalawa ang leading men ni Jennylyn sa pinag-uusapang primetime drama series sa GMA-7 na Second Chances.
Co-producer si Jennylyn ng kanyang concert with Quantum ni Atty. Joji Alonso, to be presented by GMA Network. Tickets are available at SM Ticket Outlets, call 470-2222.
Geoff hindi pa rin makahanap ng tamang babae
Napansin agad na masaya si Geoff Eigenmann nang mag-attend ito ng grand presscon ng bago niyang soap sa afternoon prime ng GMA-7, ang Kailan Ba Tama Ang Mali. Naka-move on na ba siya? Pero bakit for almost one year, walang nababalitang may nililigawan siya? Totoo raw na naka-move on na siya, pero wala nga siyang nililigawan dahil ini-enjoy niya ang pagiging single niya ngayon. Ayaw daw niyang madaliin na manligaw para lamang masabing naka-move on siya kaya may girlfriend na siya. He believes daw na darating pa rin ang right girl for him. He goes out naman with friends, but no particular girl na idini-date siya.
Nabiro tuloy si Geoff na dalawa ang maganda niyang katambal sa soap, sina Max Collins at Empress Schuck. Sino sa kanila ang puwede niyang ligawan? Natawa si Geoff dahil masaya siyang parehong katambal ang dalawa, kahit kasama niya si Max sa PPL Entertainment, ngayon lamang sila nagkatambal. Marami raw siyang natututunan sa acting sa dalawa, lalo na si Empress na award-winner actress na rin.
Mapapanood na simula sa Lunes, February 9, ang Kailan Ba Tama Ang Mali pagkatapos ng Yagit, na nagtatampok din kina Dion Ignacio, Ryza Cenon, Ervic Vijandre, Chariz Solomon, sa direksyon ni Gil Tejada.