Dingdong iniintriga sa pakikiramay sa Fallen 44
May mga nang-iintriga na idinadamay ang pangalan ni Dingdong Dantes sa mga artista na diumano’y nag-post sa social media ng mga anti-P-Noy rant.
Supalpal ang mga intrigera dahil never na nagsalita o nag-post si Dingdong ng mga message laban kay P-Noy.
Kung kasalanan ang makiramay sa mga pamilya ng mga pulis na pinatay sa Mamasapano, then guilty si Dingdong dahil ipinaabot niya ang sincere na pakikiramay at pagpupugay sa mga biktima.
May mga tao kasi na makapang-intriga lang, hindi na binabasa nang mabuti ang mga post ng mga artista. O baka naman hindi niya naintindihan ang message of sympathy ni Dingdong dahil Ingles ito?
Impostor ko hindi na active sa IG
Inactive na ang Instagram ko as in matagal nang hindi nagpo-post ng mga picture ang impostor na gumagamit sa name ko.
Kahit naman maging masipag siya sa paglalagay ng mga litrato, walang maniniwala dahil alam ng buong bansa na dedma ako sa social media. Wala akong Twitter, Facebook at Instagram accounts.
Naloka lang ako dahil may nagkuwento sa akin na nag-“hi” sa akin si Sandy Andolong sa pekeng Instagram account ko. Madalas kaming nagkakausap ni Sandy pero nalilimutan ko na banggitin sa kanya na wala akong IG account.
Kahit pa sa Crame gawin, Jinggoy malabong makapag-imbestiga sa Mamasapano massacre
Ngayon magsisimula ang senate inquiry tungkol sa Mamasapano massacre.
Naiintindihan ko kung bakit gustong-gusto ni Senator Jinggoy na maki-join sa senate inquiry. Tulad natin, interesado si Papa Jinggoy na malaman ang tunay na kuwento at ang katauhan ng nag-utos sa PNP-SAF na pumunta sa Maguindanao at hulihin ang Malaysian terrorist na si Marwan.
Sa true lang, nakaka-miss ang presence ni Papa Jinggoy sa mga senate inquiry dahil kabilang siya sa mga senador na may saysay ang pagtatanong at pag-iimbestiga.
Pinag-aaralan ni Papa Jinggoy ang lahat ng kaso at kumpleto ang kanyang research. I’m sure, marami nang impormasyon si Papa Jinggoy tungkol sa kaso at isyu ng Fallen 44.
May mga suggestion na idaos sa PNP Headquarters sa Camp Crame ang senate inquiry tungkol sa Mamasapano massacre.
Kahit gawin sa Camp Crame ang imbestigasyon, malabo na makasali si Papa Jinggoy dahil nakakulong siya sa PNP Custodial Center. Kailangan pa ng permiso ng Sandiganbayan para payagan siya na makalabas at mag-observe sa senate inquiry.
Mich hindi iniiwan si Jam
Nasubaybayan ko sa Startalk ang kuwento ng pagmamahalan nina Jam Sebastian at Michelle Liggayu na mas kilala bilang Jamich na naging mga Youtube sensation dahil sa kanilang mga music video.
Matagal nang nagdurusa sa cancer si Jam na payat na payat na ngayon dahil sa kanyang karamdaman.
Nakakalungkot ang balita na gusto nang mamatay ni Jam dahil sa hirap na dinaranas.
Nakaka-relate ako sa pinagdaraanan ni Jam dahil nasaksihan ko ang pakikipaglaban noon ni Rudy Fernandez sa kanser.
Nagdurusa man siya, masuwerte si Jam dahil mahal na mahal siya ni Michelle na walang ipinagkaiba kay Lorna Tolentino na never na umalis sa tabi ni Daboy noong naka-confine ito sa ospital.
Tumigil si Lorna sa pagtatrabaho. Nagpaalam siya bilang co-host ng Startalk at hindi tumanggap ng mga TV guesting.
Dinedma ni LT ang lahat ng kanyang mga schedule dahil nag-iisa lamang ang priority niya, si Daboy.
- Latest