MANILA, Philippines – Napanalunan ni Jolina Magdangal ang pinakaaasam na pot money ng The Singing Bee na lumobo na sa P930,000 mula P200,000 sa pangatlong araw nang pagiging defending winner niya noong Biyernes (Enero 30).
Sa kabuuan ay umabot sa P990,000 ang naiuwing papremyo ng Flordeliza star simula noong Miyerkules (Enero 28).
Magawa niya kayang umabot sa nalalapit na pagtatapos ng The Singing Bee ngayong Biyernes (Peb. 6) kung saan maaari niyang makaharap ang isa sa mga kampeyon sa BEEritan na sina Bodie Cruz, Frenchie Dy, at Sheryl Cruz? Pinatunayan ng mga nabanggit na celebrity ang husay nila sa song lyrics matapos nilang mapanalunan ang jackpot na P1 milyon sa game show noon.
Patuloy na maki-BEErit sa huling linggo ng daily vitamin BEE ng Pinoy na The Singing Bee ngayong Pebrero 2 hanggang 6 ng 10:30 AM sa ABS-CBN.